Advertisers

Advertisers

Dennis umarangkada ang career sa ‘Maging Sino Ka Man’ ni Rey Valera

0 204

Advertisers

Ni BOY ROMERO

ISANG malaking tagumpay ang special screening ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” (The Music Of Rey Valera), an official entry sa Ist Summer Metro Manila Film Festival.
Punumpuno ang Gateway Cinema at iba’t ibang emosyon ang mararamdaman mo mula sa audience. Palakpakan, umiiyak at tumatawa sa bawat eksena. Lahat ay naka-relate.
Nang magsilabasan na ang lahat ay halos pare-pareho ang sinasabi, simplicity at its best at relatable. Simple ang pelikula, pero lahat ng mga eksena ay tagos sa puso, ramdam na ramdam at bukod pa sa magaling lahat ang cast, nabigyan ng buhay ang karakter ng bawat isa, kaya positibo kami na magugustuhan ito ng publiko. Kikita ito.
Kasama sa movie na ito si Dennis Padilla at isa siya sa naging masaya sa kinalabasan ng pelikula.
Nangingilid pa ang kanyang luha nang makapanayam siya ng press at una nang inusisa ang dahilan ng kanyang namumugtong mata matapos mapanood ang pelikula.
“Actually lahat nung eksena ay iiyak ka tapos tatawa ka, tapos iiyak ka ulit, so parang roller coaster talaga siya ng emotion, napakaganda, Direk Joven napakaganda ng pagkakagawa mo and I would like to thank ang lahat ng kasama sa pelikula, napakaganda,” pahayag pa ng ama ni Julia Barretto.
Inalam din namin sa kanya kung aling part sa palikula ang naka-relate siya.
“All of the songs, kasi kapanahunan naman natin ang mga kantang yan,” paliwanag niya. Patuloy ang pag-iyak ni Padilla. Bakit kaya?
Yun ay dahil sa kantang “Maging Sino Ka Man” na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Ito kasi ang biggest break ng kanyang career. Sidekick siya rito ni Robin at nanalo pa ng award at mula noon, sunud-sunod na ang kanyang mga pelikula at nagbida na rin, naging leading man ng mga sexy actress at nakasama rin ang mga magagaling na komedyante at naging malaki na rin ang pangalan niya sa showbiz industry.
***
STILL on “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko,” (The Music Of Rey Valera.
Mismong si Rey Valera ay mapapanood sa pelikula na nagsasalaysay kung ano ang orihinal na pinagmulan at dahilan kung bakit niya naisulat ang mga kanta. Kahit ginamit na ang mga awit niya bilang soundtrack ng mga tumatak na pelikula na may sariling kwento, iba pa rin na malaman natin ang orihinal na istorya sa likod ng mga nasabing awit.
Bida si RK Bagatsing at nabigyan niya ng justice ang karakter niya bilang si Rey Valera. Napakahusay ni RK dito at bukod kina RK at Dennis, join din sa cast ang mga sumusunod (In alphabetical order) – Aljur Abrenica, Rico Barrera, Gelli de Belen, Josh De Guzman, Christopher de Leon, Lotlot de Leon, Jenine Desiderio, Meg Imperial, Ronnie Lazaro, Gian Magdangal, Carlo Mendoza, Ara Mina, Pekto Nacua, Eric Nicolas, Epy Quizon, Arman Reyes, Ariel Rivera, Ricky Rivero, Rosanna Roces, Lloyd Samartino, Shira Tweg, Lou Veloso, at Gardo Versoza.
Ang pelikula ay dinirehe ni Direk Joven Tan sa ilalim ng Saranggola Media.
Showing in cinemas on April 8 (Black Saturday) to April 18 nationwide.