Advertisers
Ni WENDELL ALVAREZ
INIINTRIGA ngayon ng mga Marites ang magaling na TV host na si kuya Willie Revillame na nagbebenta na raw ngayon ng mga ari-arian.
May nakarating sa online show namin na SNN-Showbiz Now Na, ibinibenta daw ni Kuya Wil ang kanyang mga dekalibreng painting na gawa ng mga sikat na pintor.
Kwento ng aming source, di niya raw alam kung magkano ang halaga ng mga painting na iyon pero tinitiyak niyang aabot ito ng milyones dahil mga collection item ito.
Bukod sa mga collection niyang painting, for sale na rin daw ang iba niyang investments.
Kung nagbebenta man ang host ng Wowowin, wala tayung pakialam dun kasi pinaghirapan niya iyon, dugo at pawis ang kanyang puhunan para ipundar kung ano ang wala siya nuong hindi pa sikat.
Wag tayo maging malisyoso sa usapin ng pagbibenta dahil kanya iyon, pinaghirapan niya at binigyan ng regalo ang sarili para mamuhay nang marangya.
Bilang isang sikat na TV host dapat lang bumili siya kung ano ang gusto niya para sa kanyang kaligayahan.
Hindi kwestyon iyon kung gusto na niyang bitiwan ang ibang investments tutal naranasan niyang mamuhay bilang isang mayaman.
Aanuhin mo yung isang mansiyon kung aalog-alog kayong nakatira at hindi kayo nagkikita. Mas mabuti pang sa isang maliit na tahanan at least may pagmamahalan.
Sabi nga sa lyrics ng isang kanta…”A Home is not a House, and a House is not a Home”.
Hayaan na lang natin kung anong gustong gawin ni Kuya Wil sa kanyang kayamanan tutal nuong panahon namamayagpag siya, marami itong tinulungan at pinasaya….Abaw Ah!!!
***
NUONG panahong hindi pa sikat itong female personality, marami ang nagssabing super cory daw ito as in kuripot.
Hindi raw ito marunong mag-share sa mga taong malapit sa kanya at nakatulong nuong panahong nagsisimula pa lang.
Sabi nga nila siguro inuuna niya muna ang kanyang sarili at ang kanyang pamilya bago siya tumulong sa ibang tao.
Lumipas ang panahon at sinuwerte siya sa kanyang showbiz career dahil sa galing ng kanyang manager.
Kaliwa’t kanan ang kanyang projects, minsan nga hindi na siya nakakauwi sa kanyang biniling bahay sa dami ng trabaho at milyon din ang kinikita niya sa kanyang TVC or TV Commercial.
Ang mga taong tumulong sa kanya nuong nagsisimula pa lang siya ay naghihintay lang kung makaalala siya, pero ang nangyari, nganga ang inabot ng mga ito.
Nakapag-asawa na siya at naiayos na ang kanyang mga kapatid, nakabili ng malaking bahay sa isang exclusive subdivision, dumaan ang ilang Pasko ni Christmas wrapper walang natanggap ang mga taong halos araw-araw isinusulat siya sa mga tabloid.
Ngayon matamlay na ang kanyang career at kahit anong projects ang ibinibigay sa kanya, hindi ito maka-usad sa rating kung baga tapos na ang panahon niya.
Hindi ko na rin siya masyadong nababasa sa mga newspaper at online, siguro nagsawa na ang mga taong dikit nang dikit sa kanya at sulat nang sulat kasi wala naman silang napapala.
Kapatid na Blessie, isa lang ang masasabi ko jan…Jusko Dai…..Abaw Ah!!!