Advertisers

Advertisers

Kontra-manggagawa ang bagong ideya ni Sec. Bello

0 303

Advertisers

NAGPAKAWALA na naman ng kontra-manggagawang ideya si Labor Secretary Sylvestre Bello III.

Sa pagkakatoong ito ay ang hindi pagbibigay ng 13th month pay ng mga manggagawa sa mga kumpanyang “distressed”.
Labag sa batas-paggawa ang ideya ni Bello.

Natural, kontra ito sa manggagawa.



Maliit lang naman ang halaga ng 13th month pay na ito dahil isang buwang sahod lamang ang katumbas nito.

Ngunit, napakalaking bagay na ito sa mga manggagawa, sapagkat marami na itong mabibili para sa pamilya ng manggagawa.

Kaya, maling-mali ang ideyang pinalutang ni Bello sa media.

Syempre, napakaraming organisasyon ng mga manggagawa ang nagalit sa ideya ni Bello.

Maraming tumutol sa kanya tulad ng Partido Manggagawa (PM), Federation of Free Workers (FFW) na bahagi ng NAGKAISA Labor Coalition.



Pangatlo na ang ‘krimeng’ ito ni Bello sa mga manggagawa ngayong malaki ang problema nating lahat sa coronavirus disease – 2019 (COVID – 19).

Ang una ay iyong hindi nabigyan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ng P5,000 ayuda ang libu-libong manggagawang nawalan ng trabaho noong Abril at Mayo dahil sa ‘pagsasara’ ng maraming kumpanya dahil sa COVID – 19.

Napakaraming mga manggagawa na nag-antay sa limang libo, kaso wala silang natanggap mula sa DOLE.

Napakatindi pa naman ang pagyayabang ni Bello sa nasabing ayudang pinansiyal sa mga manggagawang nawalan ng trabaho.

Tapos, wala naman pala.

Ang ikalawa ay ang direktiba niya sa mga kapitalista na makipag-usap sa mga manggagawa upang gawing kalahati na lamang ang kanilang sahod sa loob ng anim na buwan.

Maraming kapitalistang nagkadarapang sundin at nagpatupad ng kontra-manggagawang ideya ni Bello.

Tapos, ang pagpapatigil sa 13th month pay ng mga manggagawa naman ngayon ang isinusulong ni Bello.

Wala naman sa hulog ang mga naiisip ni Bello.

Pulos naman paninira sa buhay ng mga manggagawa.

Walang masama na maawa si Bello sa mga maliliit na nego-syante.

Ngunit, higit siyang maawa sa kalunus-lunos na buhay ng mga manggagawa.

Hindi pa naman nakakarating ang COVID-19 sa ating bansa ay matagal nang nakakaawa ang buhay ng mga manggagawa, ng mga nagtatrabaho, ng mga taong umaasa lamang sa minimum na sahod kada buwan.

Matagal na silang hilong-talilong sa pagbadyet sa minimum na sahod.

Tapos, itong si Bello na napakalaki ng buwanang sahod at mga benepisyo bilang kalihim ng DOLE ay siya pang mangunguna sa paglalabas ng mga ideya at konseptong taliwas sa interes at kagalingan ng mga manggagawa.

Pokaragat na ‘yan!