Advertisers

Advertisers

What the fuck Cavitex!

0 422

Advertisers

Personal nating na-experienced kung gaano kapalpak ang serbisyo ng Cavitex Toll Plaza na madalas na rin inirereklamo ng iba pang mga motorista kung saan ang tinatawag na cashless o yung tinaguriang contacless transaction ng pagbabayad ng toll fees sa pamamagitan ng “autosweep RFID with easy trip account ay dapat sana’y matagal ng ipinatutupad alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases.

Ang deadline ng itinadhana sa implementasyon ng sistemang ito di lamang d’yan sa Cavitex kundi sa lahat ng mga toll highways/plaza natin ay sa Nobyembre 2 ngunit noon pang buwan ng Agosto ito ipinatutupad.

Meaning, by November 2 this year, lahat na dapat ng mga toll booths ay may RFID na!



(Katunayan, nakapaskel sa mga signages ng Cavitex Toll Plaza ang tungkol dito kung saan nakasulat ang mga katagang: “THIS LANE ACCEPTS AUTOSWEEP RFID WITH EASYTRIP ACCOUNT”)

Ang siste, wala pang mga machines ang Cavitex para sa cashless payments o yung RFID na ito.

Andun pa rin sila sa tradisyunal na cash payment na sinasabi ngang delikado ngayong pandemya!

Gaya ng nangyari minsan sa atin kung saan, nakaumang na sa entrance ng nasabing toll plaza ang ating sasakyan at sinusundan ng di kukulangin sa mga sampu pang sasakyang magbabayad ng toll fee rin habang nakapila.

Nang pagdating natin sa teller at sabihin naka RFID, di raw po puwede dahil cash lamang ang kanilang tinatanggap dito.



What a fuck!,Ibig sabihin, aatras ang sasakyan ko at humanap ako ako ng ibang booth para sa cashless/contactless payment ng toll fee?

Gayung nakapaskel sa harapan nito na tumatanggap ng RFID at EASYTRIP!

Eh ang haba na nga ng mga nakapilang sasakyan sa likod ko. Malaking abala ito sa akin at sa iba pang motorista.

Ngunit gaano man ang ating paliwanag na kaya naroroon tayo sa nasabing lane ay dahil na rin sa signage na inilagay din mismo ng Cavitex sa entrada ng toll plaza ay nauwi rin sa wala.

To cut the story short, talagang pinaatras ang sasakyan natin at iba pang sasakyang nakapila sa likod ng sasakyan ng inyong lingkod ng security guard ng Cavitex na gumugol ng napakahabang sandali.

Ang punto natin dito, dapat ay sumusunod ang Cavitex sa panuntunan na itinadhana ng gobyerno at ng IATF patungkol sa sistema ng RFID na sila rin mismo ang nag-iisyu sa mga kostumer nila (CAVITEX) tulad ng sa inyong lingkod.

Sadya talagang malatuba ang sistema ng serbisyo nitong Cavitex compared sa SLEX at sa iba pang toll ways.

Paano na kung mga naglalakihang truck na at buses ang nakapila sa entrance ng toll plaza at kanilang di papapasukin dahil “cash” lamang ang puwedeng tanggapin ng kanilang mga booth? Eh di laking diskusyon ito at abala sa mga pagod na sa biyaheng mga motorista.

Ano kayang ahensiya ng gobyerno ang nakakasakop sa mga ganitong negosyo na dapat naman ilagay sa ayos ang kanilang mga serbisyo para di makaperwisyo sa motoring public?

Toll regulatory board?

Again, sa namamahala ng Cavitex, at sa mga empleyado nito “on the grounds”, isip-isip din at wag aanga-anga!

Nakakaperwisyo na kayo!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com