Advertisers
Yea, though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil; for thou art with me; Thy rod and thy staff, they comfort me. — Psalms 23:4
NANINIWALA akong hindi isang sumpa o parusa ang pagkalat ng novel coronavirus o nCoV, tulad ng sinasabi ng ilan sanhi ng pagkamatay ng mahigit isang milyong katao sa buong mundo dahil sa nakakahawang sakit.
Ganito rin ang paniniwala ni United States President Donald Trump kaya nga sinabi niyang ang Covid-19 (ang tawag sa sakit mula sa nCoV) ay “blessing from God.”
Ayon kay Trump, dahil sa experimental antibody treatment para sa kanyang mabilis na recovery, siya na mismo ang kumilos para mapuksa ang kanyang sakit at naging positibo naman ang resulta.
Dagdag nga ng punong ehekutibo ng Estados Unidos, ang lumalaganap ngayon sakit ay isang “blessing in disguise.”
Nakaka-relate ako sa sinabi niya. Ang totoo’y nagkaroon ako ng Covid-19 noong Pebrero—bago pa man ang mga lockdown at quarantine protocol na pinatupad ng ating pamahalaan. At, tulad ni Trump, kami ng aking esposa ay nagsagawa ng sarili naming treatment. Salamat sa Losartan (marahil) at ang impormasyong nakalap sa coronavirus, nagawa naming mapagtagumpayan ang virus—at ang misis ko nga’y naka-recover sa kanyang karamdaman.
Subalit hindi ito suwerte na natsambahan namin. Mabuti na lang na naghanda ang aking asawa sa napipintong lockdown, kaya nakapagtabi siya ng pera para mapaghandaan ang kawalan ng kita at hanapbuhay. Bukod dito, mataimtim din kaming nanalangin sa Puong Maykapal.
At dininig niya ang aming dasal.
Isang araw bago ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) na naging dahilan para mapatigil ang operasyon ng maraming negosyo at aktibidad, hindi ko inaasahang magkatrabaho ang aking asawa at italagang operations manager ng kompanyang pag-aari ng kaibigan ko. Ito ang kamay ng Diyos na kumilos para tulungan kaming mga anak Niya—biyayang hindi inaasahan at pagpapalang pinagkaloob dahil sa tiwala namin sa Amang Diyos.
* * *
PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!