Advertisers
May magandang ipinapanukala itong si CONG. ACE BARBERS na ang ilulunsad na NATIONAL IDENTIFICATION CARD sa ating bansa ay kailangang may kalakip na rin ito ng PERSONAL BANK ACCOUNT para digital na ang transaksiyon ng mamamayan sa mga asisteng dapat matamasa mula sa gobyerno.
Sa BROADCASTERS FORUM ONLINE via ZOOM kamakailan na ang moderator ay ang batikang BROADCAST JOURNALIST na si ROLANDO “LAKAY” GONZALO ay naging paksa ang NATIONAL ID at dito ay inihayag ni CONG. BARBERS na mahalaga aniyang kalakip na rito ang personal bank account ng bawat indibiduwal para sa mas mabilis na transaksiyon ng mga mamamayan.
Nag-ugat ang panukala ng naturang mambabatas dahil sa dinadanas umanong pahirapang transaksiyon tulad ng mga nagsipagretirong mga pulis at sundalo ay nagtitiis na buwan-buwan ay nagpapabalik-balik sa Camp Crame para sa follow-up o pagkuha ng kanilang pensiyon.., gayundin sa panahon ngayong pandemiya ay kandahirap sa pagpila ang mga naging benipisaryo ng SPECIAL AMELIORATION PROGRAM ng DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT.
Aniya, kapag ang NATIONAL ID ay pinalooban ng gobyerno ng personal bank account ay awtomatikong ipapasok sa personal bank account ang mga benepisyo mula sa gobyerno para sa mamamayan..,, tulad ng pensiyon, ayudang pinansiyal mula sa gobyerno tulad ng SAP, sa gayon ay hindi na pipila o magpapabalik-balik pa sa mga government agency ang sinuman para sa benepisyong dapat makuha mula sa gobyerno.
Bukod diyan ay maiiwasan ang kurapsiyon tulad ng mga kaganapan nitong nagdaang bigayan ng SAP na imbes P8,000 ang makuha ng benepisaryo ay kinaltasan pa ng ilang gahamang barangay officials.., ika nga, kapag may personal bank account ang NATIONAL ID ay rektang matatanggap ng buo ang perang ukol sa mga benepisaryo.
Dapat maisulong at maipasa ng mga mambabatas ang panukalang ito ni CONG. BARBERS para sa kapakanan ng buong sambayanan, na ang lahat ng benepisyong ipagkakaloob ng gobyerno ay matanggap ng lahat ng mga kinauukulan.., huwag lang maniobrahin ng mga ganid na opisyal ng ating gobyerno sa paraang ipinadala na sa personal bank account subalit wala namang makukuha ang sinumang benepisaryo.., na posibleng mangyari yan dahil ang digital ay maraming pamamaraan ng pandaraya tulad na lamang kapag national elections ay nagkakaroon ng mahika sa mga counting machine.
Kahapon Lunes, (October 12, 2020) ang Step 1 Registration para sa mga identified low-income household heads ay pinasimulan na ng PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY (PSA) bilang bahagi sa proseso ng pagrerehistro para sa PHILIPPINE IDENTIFICATION SYSTEM (PhilSys).., kung saan, bilang pagsunod sa ipinaiiral na health and safety protocols ay ang mga PSA ENUMERATORS REGISTRATION OFFICERS ang magbabahay-bahay at para madetermina ang mga low-income household heads mula sa 32 probinsiyang uunahin ngayong taon.
Ang mga probinsiya ay kinabibilangan ng Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Cagayan, Isabela, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Albay, Camarines Sur, Masbate, Antique, Capiz, Iloilo, Negros Occidental, Bohol, Cebu, Negros Oriental, Davao De Oro, Davao del Norte, Davao del Sur, Davao Occidental, Leyte, and Tawi-tawi.
“Everyone will eventually be registered under PhilSys. However, we aim to register low-income households first, to improve the targeting and distribution of government aid. We will start in provinces which more or less belong to the bottom 40 percent of the population in terms of income,” pahayag ni PSA UNDERSECRETARY DENNIS MAPA.
Para sa kabuuang detalye sa pagpoproseso ngayon ng magiging NATIONAL ID ay maaari pong buksan ang official PhilSys website na www.psa.gov.ph/philsys o ang facebook page na www.facebook.com/PSAPhilSysOfficial/
URBAN AQUACULTURE SA QC…
Ngayong pandemiya dahil sa epekto ng COVID-19 ay usong-uso ang URBAN AGRICULTURE na kahit walang espasyong lupa sa mga pamamahay ay nakakapagtanim pa rin ng mga halaman sa mga rooftop o sa mga pader ay may pandagdag pangkabuhayan naman ang inilulunsad ngayon ng QUEZON CITY GOVERNMENT at ng DEPARTMENT OF AGRICULTURE sa pamamagitan ng URBAN AQUACULTURE.
Nitong nagdaang linggo, si QC MAYOR JOY BELMONTE na siya ring tunatayong CHAIRPERSON ng QC FOOD SECURITY TASK FORCE ay lumagda ng MEMORANDUM AGREEMENT sa DA na pinamumunuan ni SECRETARY WILLIAM DAR para sa paglulunsad ng proyektong URBAN AQUACULTURE. Dinaluhan din ito nina DR. JUAN ALBALADEJO ng BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES at ni MS. DIVINA ARLENE GILLEGO ng BFAR-NATIONAL CAPITAL REGION.
Sa naturang proyekto, ang BFAR-NCR ay magkakaloob ng 15 AQUAPONIC UNITS na ibibigay sa iba’t ibang komunidad ng nasabing lungsod.
Magandang programa ito na dapat e maglunsad ang QC ng libreng seminar/training ng URBAN AQUACULTURE para ang mga residente kahit wala silang fishpond ay maaari silang makapag-alaga ng mga isda sa kanilang pamamahay na kanilang mapapakinabangan.., maibebenta o magiging pang-ulam ng pamilya kaysa FISH AQUARIUM na ang laman ay mga isdang pang-display lamang…, na isa rin po ako sa interesadong matuto nitong URBAN AQUACULTURE!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.