Advertisers

Advertisers

Bong Go namahagi ng tablets sa mga estudyante, umayuda sa Paranaque City at Malolos, Bulacan

0 302

Advertisers

Dahil sa dumaragsang panawagan at pahingi ng tulong sa kanyang tanggapan, agad namahagi ng tulong si Senator Christopher “Bong” Go sa 150 indibidwal sa Brgy. Merville, Paranaque City at sa 200 residente sa Malolos, Bulacan.

Ang grupo ng senador ay namigay ng mga pagkain, food packs, masks at face shield sa mga benepisyaryo.

“Nandiyan po ang aking staff, meron po akong ipinadalang pagkain, mga food packs, pananghalian n’yo po. Meron din akong ipinadalang mga mask at face shield,” ang sabi ni Go sa kanyang virtual message.



“Pakiusap ko lang sa inyo, pakisuot po ito dahil delikado pa ang panahon. Suotin n’yo parati ang mask at face shield dahil hindi pa normal ang sitwasyon. Hugas ng kamay parati at kung ‘di kailangan, ‘wag umalis ng pamamahay. Ingat lang tayo parati,” ang paalala niya.

Maraming masuwerteng estudyante ang binigyan niya ng tablets na magagamit sa pag-aaral ng mga ito sa blended learning.

Pinaalalahan niya ang mga estudyante na mag-aral nang mabuti bilang pagpapakita ng kanilang pasasalamat sa sakripisyo ng kani-kanilang magulang.

“Alam n’yo, kaligayahan naming mga magulang kapag nakikita namin ang mga anak namin na nag-aaral at makatapos. Ang mga magulang, nagpapakamatay para lang makapag-aral ang mga anak kaya bilang ganti, mga estudyante, mag-aral kayong mabuti para po ang ating mga magulang sumaya naman,” aniya.

Hindi rin niya nakalimutang magbigay ng mga bisikletra sa mga mas nangangailangan para magamit sa pagpasok at pag-uwi mula sa trabaho.



Ang mga kinatawan ng Department of Social Welfare and Development ay nagbigay rin ng ayuda sa mga residente.

“Maraming salamat po sa inyong pakikinig. Ipinapaabot lang namin sa inyo ni Pangulong Duterte ang pangamusta sa inyo, mahal po namin kayong mga kapwa naming Pilipino,” ani Go.

Sa Malolos City ay nasa 200 benepisyaryo ang binigyan ng iba’t ibang tulong ni Sen. Go sa General Isidro Torres Memorial Elementary School.

Tiniyak ng senador na kapag mayroon nang bakuna laban sa COVID 19 ay uunahain ng gobyerno ang mahihirap at vulnerable sectors.

Ipinayo niya sa publiko na patuloy na sundin ang health protocols na ipinatutupad ng gobyerno upang hindi na kumalat ang COVID-19 sa bansa.

“Sa mga kapwa kong Pilipino, magtulungan lang po tayo. Ginagawa namin ang lahat sa abot ng aming makakaya upang maiahon kayo sa kahirapan at maibalik ang sigla ng ating kabuhayan. Nandito po kami ni Pangulong Duterte para magsilbi at magserbisyo sa inyo,” idiniin ng mambabatas. (PFT Team)