Advertisers
Ni BOY ROMERO
SI Kat de Castro ang General Manager ngayon ng PTV at nang makaharap namin siya para sa Meet and Greet ng mga bagong anchors ng government-owned station, deretso namin siyang tinanong kung aalukin ba niyang lumipat ang amang si Noli de Castro.
“Nu’ng nawala po sa ere ang ABS-CBN, biru-biruan po ang ginawa ko sa tatay ko, sabi ko ‘O Daddy wala pa sa free TV ang ABS-CBN, baka po puwede po kayong lumipat sa PTV.’ Tumawa lang siya nu’ng una, and eventually, kasi sa pulitika o sa gobyerno, bawal magtrabaho sa isang ahensiya ang magkakapamilya dahil tatay ko siya, anak ako, tapos, andun yung issue ng talent fee, kasi may binanggit akong figures sa tatay ko, sabi ng tatay ko, ‘ano yan, per day, di po, per month’ sabi niya, paano yan? Pinag-aaral pa raw niya mga apo nya.
“As of today, he remains with ABS-CBN. As what will happen next year, it’s anyone’s ballgame, so to speak. So, inoper po natin sa kanya, pero siyempre he has to stay with ABS-CBN dahil naka-contract po siya dun,” pag-amin niya.
Hanggang kailan ba ang kontrata ng ama sa Kapamilya Network?
Tumawa muna siya bago sumagot. “Alam ko po, annual po yan ginagawa, nire-nenew. And he already mentioned that, he’s staying with ABS-CBN po. Kung until when, I don’t know po.”
Nilinaw din namin kay Kat kung isa sa major stockholders ang ama sa ABS-CBN
“Major stockholder?” Sabay tawa. Actually, nabasa ko rin po yun. Parang kasama siya sa Top 10 0 20 na stockholders ng ABS-CBN. Nu’ng nabasa ko po yun dun din po namin nalaman. Pero po kasi ang tatay ko ay isa rin po siya sa naunang empleyado diyan sa ABS, nagkaroon po sila ng oportunidad o binigyan sila ng pagkakataon na kumuha ng stocks…isa po siya sa mga naunang stockholders, e, lumaki na po nang lumaki kaya ganu’n.”
Asked din namin siya kung humingi ito ng advice o nag-consult ba siya kung paano patatakbuhin ang isang news program?
“Nu’ng una po, binibigyan pa niya ako ng mga payo, tapos napansin niya na lahat ng ipinayo niya sa akin, ginawa ko po sa newscast namin kaya mula po noon medyo, di na po siya nagti-tip kung paano magbigay ng newscast and all that.”
Feeling ba ng ama niya ay ginaya ang “TV Patrol” kaya di na ito nagbigay ng payo o tip?
Lalong napalakas ang tawa ni Miss Kat bago sumagot. “Hindi naman po sa ginaya, it’s more of ‘Dad, ano ba ang papatok pag alas sais ng gabi. Nu’ng una, ok pa siyang magbigay ng advice, mamaya teka, bakit lahat ng inadvice ko, ginagawa ng PTV. But other than that, ang pinakamahalagang ipinayo sa akin ng Dad ko ay yung kung paano magmalasakit po sa mga empleyado ng PTV. Kasi yung mga iba po dyan, medyo, nakasabayan din po niya, mga 20, 30, 40 years, even USEC (Rocky Ignacio), na nagtatrabaho dun, ang sinasabi lang niya, basta masaya ang mga empleyado mo, wala kang problema sa pagpapatakbo ng network at yun naman po ang lagi nating pinakikinggan. Naghahanap po tayo lagi ng legal basis para po mabigyan ang kanilang mga hinihiling and siyempre with USEC Rocky as my boss sa PTV, ayun, gina-guide din po niya ako. Kasi, mas kilala niya ang mga empleyado kumpara sa akin, yun po.”
***
MASUWERTENG Sean de Guzman. He’s the final choice to play the lead role in “Anak Ng Macho Dancer” under the helm of Direk Joel Lamangan.
Produced by mega-concert producer Joed Serrano for the Godfather Productions. Story and screnplay by Henry Quitain with Ms. Grace Ibuna as business consultant and Jobert Sucaldito as supervising producer. Shoot starts sa first week of November.
Ano kaya ang reaksiyon ng binatang miyembro ng Clique V?
“Parang nasa alapaap po ako sa saya. Ninenerbiyos po ako talaga. Parang di ako makapaniwalang, heto na ang hinihintay kong break. Hindi ako nakakatulog nang maayos lalety dala ng sobrang excitement. I promise to do my very best na magampanan ang napakahalagang role sa ‘Anak ng Macho Dancer.”
At pinaghahandaan ko na ang mga sexy scenes na ipapagawa sa akin ni Direk Joel Lamangan. Maraming salamat po, Sir Joed Serrano sa tiwala,” masayang simula ni Sean nang makausap namin sa story conference ng “Anak ng Macho Dancer.”