Advertisers

Advertisers

Gari Escobar pinaghahandaan na ang unang digital concert

0 335

Advertisers

Ni  NONIE V. NICASIO

PATULOY ang ikot ng mundo ng prolific singer/composer na si Gari Escobar. Bukod sa pagtutok sa kanyang negosyo, patuloy pa rin ang kakaibang passion niya sa musika.

Katunayan, naghahanda na siya sa gagawing online concert sa darating na October 18. Ito ay pinamagatang Gari Escobar Live! My Life! My Music! At ayon kay Gari, may kakaiba siyang gagawin dito kaya dapat abangan.



Kuwento sa amin ni Gari, “Sa October 18 @4PM po ay gaganapin ang aking first digital concert sa VSMTC ni sir Vehnee Saturno, iLive stream po ito sa aking Gari Escobar FB Page at sa VSMTC FB Page.

“Isa po ito sa pinaghahandaan ko ngayon dahil may gagawin po akong kakaiba for the sake of art and entertainment at sa ikasasaya po ng aking mga kaibigan at supporters.”

Nabanggit din niya na mixed emotions ang pakiramdam sa patuloy ng pandemic na bunsod ng Covid-19.

“Mixed emotions po ako, magkahalo ang lungkot ko at saya. Pero yung lungkot ko sa nangyayari sa mundo ay dina-divert ko sa positive, yung kung paano ako makakatulong sa mga nangangailangan, hindi lang sa frontliners, sa simpleng maaabot lang po ng makakaya ko.

“Plus, lagi po akong nananalangin na hindi po tayo pabayaan ng Diyos at patuloy tayong bigyan ng guidance, mga biyaya, pananampalataya, at tapang na harapin ang bukas at ano mang challenges na nangyayari sa atin ngayon, pati ang mga darating pa.”



Sambit pa niya, “Ang song ko po pala na Dito sa Piling Ko composed by kuya Vehnee Saturno is now being played in Energy FM nationwide. Iyong four songs ko naman po: Baguio, Tama na, Masisisi Mo Ba at Ayoko Na Sayo ay tinutugtog sa 102.7 Star FM.

“Katatapos ko lang din po ng dalawang online acting workshops, yung kay Ms. Cherie Gil at yung under kay Direk Jo Macasa ng GMA-7.”

Pahabol pa ni Gari, “Sobrang busy po ako ngayon, ang lakas po ng online business ko, lalo pang lumakas nang dumating ang Collagen product. Kasi nakakabata po talaga, nakakaputi pa at nakakatibay ng immune system. Parang three birds in one shot.”

 

Anyway, si Gari ang nasa likod ng self-titled album mula Ivory Music na may 12 cuts na kinabibilangan ng mga awiting BaguioDito Sa Piling KoTama NaHabang Nandito Pa AkoFrom Friends to LoversHanap Ko Pa RinAyoko na SayoAyaw Kong Makita KaHindi Ka Na Muling Mag-iisaIsang Halik PaMasisisi Mo Ba, at Lumaban Ka na karamihan ay siya ang nag-compose.