Advertisers

Advertisers

Velasco at Sara Duterte nagkita sa gitna ng isyu sa speakership post

0 254

Advertisers

NAGKITA sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco at presidential daugher na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa gitna ng mainit pa rin na issue ng House Speakership.
Si Velasco ay inaasahang uupo na bagong House Speaker sa ilalim ng term-sharing agreement nila ni Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano noong nakaraang taon.
Sa isang larawan, makikita na magkasama sina Velasco at Duterte-Carpio na kumakain pero walang impormasyon kung nakaninong bahay ang dalawa.
Subalit ayon sa kilalang kaalyado ni Velasco na si Oriental Mindoro Rep. Salvador Leachon, malinaw na ineendorso na ng anak ng presidente ang bagong lider ng Kamara.
Sa ilalim ng kasunduang term-sharing, 15 buwan lang uupo bilang House Speaker si Cayetano, habang itutuloy ni Velasco ang natitirang 21 buwan ng 18th Congress.