Advertisers

Advertisers

Reenacted budget sa panahon ng pandemya: ‘Di puwede ‘yan! – Bong Go

0 234

Advertisers

HINDI pabor si Senador Bong Go kung magiging reenacted ang pambansang badyet ng bansa sa susunod na taon dahil hindi ito sasapat sa mga kinakailangang pondohan na mga opisina ng gobyerno, programa at proyekto, partikular na ang sistema sa pangkalusugan.
Iginiit ni Go na hindi uubra sa gobyerno, lalo na sa health sector, na mag-operate sa susunod na taon na reenacted ang budget dahil hindi ito angkop sa patuloy na pandemya o krisis na dulot ng coronavirus disease (COVID-19).
“Now, more than ever, we need to focus our spending on health. With this considered, we cannot afford to have a reenacted budget next year. Hindi po talaga puwede. We cannot just operate on a budget next fiscal year that is unresponsive to our current crisis,” ani Go sa public hearing ng Senate committee on finance.
Ani Go, sinusuportahan niya ang pag-apruba sa pondo ng Department of Health dahil ito ang nagsisilbing forefront agency ng bansa sa paglaban sa COVID-19.
Gayunman, ikinalungkot ni Go ang pagtapyas sa Epidemiology and Surveillance, and Quick Response fund ng DOH, lalo ngayong may health crisis.
Hinimok niya ang komite na humanap ng paraan para matiyak ang sapat na pondo sa Health Facilities Enhancement Program (HFEP) ng DOH dahil higit itong kailangan ngayong may pandemya.
“I also observed that the programmed budget for the Health Facilities Enhancement Program will decrease to P4.8 billion next year from P8.4 billion this year. The programmed appropriations will just be for equipment. Although there is another P5.5 billion for infrastructure, this is lodged under the Unprogrammed Fund, ibig sabihin wala pa pong pondo,” ani Go.
Aniya hindi dapat mabinbin ang pondo sapagkat ang infrastructure projects ay dapat na iprayoridad.