Advertisers
MASUWERTE na nakaligtas sa ambush ng ‘riding in tandem’ ang isang abogado sa Barangay Pajac, Lapu-Lapu City.
Kinilala ang biktima na si Atty. James Joseph Gupana.
Sa ulat, papunta na sa kanyang opisina sa Mandaue City si Atty. Gupana nitong Sabado ng umaga lulan ng kanyang sasakyan nang dikitan ng riding in tandem at pinagbabaril ang kanyang sasakyan.
Tinamaan si Gupana at nagtamo ng tatlong gunshot wounds sa kanyang braso, ngunit naisugod pa ang sarili sa pagamutan kaya agad nabigyan ng lunas.
Sinasabing mayroon nang bumubuntot kay Atty. Gupana sa mga nakalipas na araw bago nangyari ang insidente.
Ilan sa tinitingnang anggulo sa krimen ang personal grudge at may kinalaman sa propesyon ng abogado.(PFT team)