Advertisers

Advertisers

Baha sa Quezon hanggang beywang na!

0 250

Advertisers

UMABOT hanggang beywang ang baha sa ilang lugar sa munisipalidad ng San Francisco, Quezon nitong Linggo ng umaga dahil sa lakas ng buhos ng ulan.
Hanggang tuhod naman ang baha sa ibang lugar.
Tinamaan din ng pagbaha ang town proper.
May ilang bahay na nasira dahil sa pagragasa ng tubig.
Hindi ngayon madaanan ng anumang uri ng sasakyan ang ilang kalye na lubog parin sa baha.
Ayon sa pamahalaang lokal ng San Francisco, walang napaulat na nasawi o nasaktan sa pagbaha.
Ayon sa PAGASA nitong Linggo ng umaga, may dalawang low pressure area at hanging Habagat na magdudulot ng pag-ulan sa Luzon, Visayas, at pati na sa ilang lugar sa Mindanao.(Ace Ramales)