Advertisers
OPTIMISTIKO ang Lakers na tapusin ang laban nila ng Heat sa Game six ng NBA Finals na nakatakda ngayon alas-9 ng uma-ga dito sa Pilipinas.
Ito ay matapos na isang panalo na lamang ang kailangan ng Lakers para makuha ang unang kampeonato matapos ang isang dekada.
Sinabi ni Lakers star Anthony Davis, na pinaghandaan na nila ang anumang adjustment na ipapagana ng Heat para hindi pa matapos ang serye.
Sa huling kampeonato kasi ng Lakers ay noong talunin nila ang Boston Celtics sa Game 7.
Kapag makuha ng Lakers ang kampeonato ngayong taon ay magiging tabla na sila ng Celtics na mayroong 17 kampeonato sa kasaysayan ng NBA.