Advertisers

Advertisers

Titulo lang pala ang gusto?

0 308

Advertisers

Pang-apat sa pinaka-mataas na pwesto sa ating bansa ang Speaker of the House of Representatives. President, Vice President, Senate President at Speaker of the House.

Manok ito ng presidente pero dapat elected sya ng majority ng House members, ganun din naman sa Senado o ang Senate President.

Ngayon lang nangyari ang tinatawag na term-sharing agreement. Naunang pumasok sa ganitong kasunduan ang Senado sa pagitan nina Senators Aquilino “Koko” Pimentel at Vicente “Tito” Sotto III.



Sa pagbubukas ng 18th Congress, nagkasundo sina Taguig Rep. Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa term-sharing deal pero namagitan dito si Pangulong Rodrigo Duterte.

Unang magsisilbing speaker si Cayetano ng 15 buwan, 21 buwan naman kay Velasco.

Subalit sa tinatakbo ng istorya ng term-sharing agreement nina Speaker Cayetano at Rep. Velasco, lumalabas na tila “titulo” lamang ang habol ng kinatawan sa Marinduque.

Narito ang part 3 ng transcript sa privilege speech ni Speaker Cayetano re Term-Sharing

September 30, 2020



So yesterday, when Congressman Jack Duavit brought up the support of NPC to the President, Jack was the witness, I reiterated, “Lahat naman kami, Mr. President, suportado ka e.” ‘Di ba? All the parties here.

Having said that, pinaliwanag ko sa ating Pangulo, “Mr. President, hindi n’ya tinanggap (ang Senior Deputy Speakership) e.” Gusto raw niya Energy (Committee).

Sabi ko, “Bakit Energy?” Sabi niya (Velasco), e kasi y’un talaga ang advocacy n’ya. Pero sabi n’ya sakin, “Power Comm ang gusto ko.” Sabi ko, “No problem—Power Comm and Senior Deputy.”

Tapos tinuro ako ni Congressman Velasco, “Mr. President in-offer n’ya, pero gusto ko dalawa, hindi n’ya binigay e.” Hindi ko po binigay kasi sabi ko sa kanya, magiging Speaker ka, bad example naman na Deputy Speaker ka na, may chairmanship ka pa. ‘Di ba? Sabi ko, “What will happen in the next Congress and the Congress after that? Natutuligsa na nga tayo na napakaraming officers e, dadagdagan mo pa ng gan’on.”

Tapos s’ya y’ung umangal, “Mr. President, hindi naman n’ya ako ginawang partner. He alienated me!”

Sabi ko, “How did I alienate you?”

“You did not give my committee the right powers.”

Sabi ko, “Pare, mayr’ong korporasyon na may utang na almost a hundred billion—89 billion pesos—four years kang chairman ng Energy Committee, hindi mo inimbestigahan?”

Tapos sabi n’ya, “Mr. President nasa korte na y’un.” Sabi ko, “Kita mo, Mr. President, dinedepensyahan n’ya na walang hearing?” E kami, nag-hearing, lumabas sa korte na bawal magbigay ng TRO! So sabi ko, “Ano pang angal mo?”

“Mr. President, y’ung dapat sa Energy ako ang naghi-hearing,” etcetera, “ibinigay sa mga kakampi ni Cayetano.” Sabi ko, “Boss, tingnan mo po y’ung record. Naunang mag-hearing y’ung iba. Ang rule sa Congress, kung sino nauna, at jurisdiction n’ya, magpapatuloy sana.”

So, I asked him, “Lord, hindi ba y’ung opisina ko bukas sa lahat?” Ang sagot n’ya, “Syempre may kailangan sila sa’yo kaya nand’on sila lahat sa opisina mo!”

Sabi ko, “Lord, hindi naman y’un ang pinag-uusapan. And point ko, bukas ang opisina ko, bakit hindi mo ako tinawagan? Hindi mo ako pinuntahan, may problema ka pala? Nag-offer ako sa’yo e!” So, in-explain ko sa kaniya, “Lord, you know why I offered that to you? So that magaan na y’ung transition natin because ayoko rin na y’ung 21 months after may kaaway ako. Ayokong maggantihan tayo! I want a better transition. We have to learn from history.”

So, sabi ko, “Mr. President, hindi ko na kasalanan na si Congressman Velasco chose na ‘wag maging present, na ‘wag dumating sa mga napakahalagang mga events ng Congress.” Katulad sa Batangas, n’ung naghihirap ang ating mga kababayan dahil sa pagputok ng Taal, marami po ang nag-alala sa kanilang personal safety, pero dahil nadama nila ang problema ng ating kababayan, sumugod pa rin sila sa Batangas. So sabi ko, “It’s not my choice. It was his choice not to go there.”

It was his choice na sa Bayanihan 2 hindi s’ya active. It was his choice na ipasa na lang kay Deputy Speakers Dong and Johnny y’ung committees at hindi na s’ya makipag-usap sa isa-isa. It was his choice na ‘wag makialam sa tax measures na kailangan ng ating bansa. It was his choice to be quiet—ano ba talaga ang stand n’ya sa ABS-CBN, ano ba talaga ang stand n’ya sa anti-terrorism?

Sabi n’ya, “Hindi, Mr. President, ayoko lang makialam kay Alan.” Sabi ko, “Boss, it’s not about me!”

Anyway, dahil hindi narinig ang kaniyang stand sa mga usaping pampubliko, sabi ko, “Mr. President, ang problema, maraming mga Kongresista ang nagsasabing question mark ang kaniyang speakership.” Hindi po personal—maraming kaibigan si Congressman Velasco dito. In fact, dalawa sa nagsalita sa kanila sa harap ni Presidente, sabi nila kung tutuusin mas close sila kay Velasco, but they testified about our good ratings, about kung paano ang pagpapatakbo ng Kongreso.