Advertisers
INAKSYUNAN na ni PNP Chief for Administration at COVID Shield Task Force Commander Lt. Gen. Guillermo T. Eleazar ang mahigpit na kahilingan ng apektadong mga manggagawa at pamilya na COVID positive sa EEI Corporation. Pinangunahan ni Eleazar ang imbestigasyon laban sa mga opisyales ng nasabing kompanya upang sampahan ng kaukulang kaso ang mga ito, lalong-lalo na si EEI Assistant Vice President for Safety, Health, Environment and Security Department, Michael D. Arguelles.
Sa ilang text messages sa SIKRETA kahapon, kinumpirma ni Eleazar na tinawagan na nito si Bauan Municpal Police Chief LtCol. Roderick Tonga na gawin ang karampatang aksyon kaugnay sa nabunyag na malawakang paglaganap ng nakamamatay na COVID 19 sa EEI fabrication yards sa munisipalidad ng Bauan.
Isinisisi sa ilang opisyales ng naturang Quadruple A rated construction firm ang paglaganap ng nakahahawang virus sa kanilang farication yards sa nabanggit na bayan.
Ayon naman kay LtCol. Tonga, magtitipon ang mga police, barangay, local task force at LGU para alamin kung ano ang mga karampatang hakbang laban sa mga kaukulang opisyales ng kompanya na mapapatunayang may pagkukulang, nagpabaya at paglabag sa COVID 19 Health protocols na naging sanhi ng pagkalat ng naturang virus sa EEI Corporation.
“Magko-convine po kami bukas (October 12, 2020) para tiyakin kung anong posibleng paglabag ng ilang opisyales ng EEI Corporation sa biglang paglobo ng COVID 19 positive sa fabrication yards ng nasabing kompanya. Ang mahirap po sa EEI ay binalewala nila ang barangay, LGU, police at local task force nang malaman nila noong September 19, 2020 na may walong empleyado na pala ang COVID positive” ang kumpirmasyon ni LtCol. Tonga.
“Inilihim po nila ang pagkakaroon doon ng COVID positive sa halip na agad silang makipag-ugnayan sa barangay, police, LGU at local task force para nakagawa agad ang pamahalaan ng tama at karampatang aksyon”, ang pagdidiin pa ni LTCol. Tonga.
Ayon naman sa isang batikang police investigator, may nakiklita itong tandisang paglabag sa batas ng ilang EEI Corporation officials, ito ay ang Violation of Bayanihan to Heal as One Act.
“Pag-aaralan pa po natin kung alin sa mga probisyon ng Bayanihan Act ang kaukulang kaso na dapat nating isampa laban sa mga responsableng opisyales ng EEI Corporation. Ngunit may nakikita na po tayo na may pagkukulang o pagpapabaya sa panig ng ilang matataas na opisyales ng Safety department tulad ng kanilang department head, supervisors, safety-in charge at iba pa na may kinalaman sa pagpapatupad ng Safety, Health, Environment and Security protocols ng kanilang departmento”, ayon sa naturang imbestigador
“Mananagot din po ang at iba pang may mga tungkulin kaugnay sa pagpapairal ng kaligtasan at kaayusan sa nasabing kompanya”, ang pagtiyak pa ng nabanggit na imbestigador na humiling na itago ang kanyang pangalan.
Naunang ipinunto ng pamilya ng apektadong EEI employees na si Arguelles ang isa sa pangunahing responsable sa malawakang paglaganap ng COVID 19 sa apektadong yarda. Dahilan sa kapabayaan ng kanyang departamento na hindi pakikipag-ugnayan sa barangay, local government unit at local task force ay hindi agad napigilan ang malawakang paglaganap ng COVID 19 .
Bilang Covid Sheild Task Force Commander, ang masipag na si General Eleazar naman ang agad sumagi sa isip ng mga apektadong pamilya para hingan ng tulong upang magkaroon ng katarungan ang sinapit ng kanilang mga bread winner. Kasalukuyang nasa di binanggit na COVID 19 isolation facilities ang mga apektado.
“Wala po kaming ideya kung saang pasilidad dinala ang aming mga mahal sa buhay para magpagaling, salamat na lamang at nakaabot sa kaalaman ng barangay, LGU, police at local task force, kung hindi, marahil po ay mamamatay lahat ang aming kaanak pagkat wala namang kaukulang aksyon ang mga opisyales ng EEI” ang pahayag ng isang ginang ng naka-kwaretinas na empleyado.
“Salamat po sa tulong nyo at naiparating namin kay General Eleazar ang aming kahilingan”, ang panaghoy naman ng isang kaanak ng isa pang empleyadong COVID positive.
Naniniwala tayong salungat sa prinsipyo ni EEI Corporation President and CEO Roberto Jose L. Castillo, ang di karakang pagtalima ng departamento ni Arguelles para ipairal ang wastong health at safety protocol sa farbrication yard ng nasabing kompanya.
Umaasa tayo at maging ang bawat pamilya ng mga naapektuhang EEI Corp. employees na hindi pagtatakpan ni Castillo si Arguelles at ang ilang mga tauhan nito sa nagawang kapalpakan.
Kung tuuusin nga ay masyadong malinaw na nagpabaya si Arguelles at ang ilan nitong tauhan sa kanilang tungkulin, imposible talagang hindi agad nakakarating sa kanilang kaalaman sa una pa lamang na pagputok ng balita na may mga empleyadong nadiskubreng dinapuan ng COVID 19 sa mga yarda ng EEI sa bayan ng Bauan, Batangas.
Malaking batik sa pagkatao ni Castillo at sa EEI Corporation sa kabuuan kung di nito tatanggalin sa kanyang pwesto at kakastiguhin ang mistulang naging inutil na si Arguelles?
Para kay General Eleazar at LtCol. Tonga, isang marubdob na pasasalamat ang ipinaabot sa inyo ng pamilya at empleyado ng EEI Corporation! Atin namang abangan ang askyon ni Castillo…
***
Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com.