Advertisers
PAGING MERALCO: OCT. 5, 2020, MARIKINA. REPORT KO ANG ISANG POSTE NG MERALCO NA NAPAPANSIN NG MGA TAONG NAGLALAKAD NA NAKATAGILID NA SA KANTO NG PALAY ST. CORNER BLK 68, BARANGAY TUMANA, MARIKINA. NAPAKADELIKADO ANG GANITONG POSTE. NAPAKABIGAT ANG MGA NAKAKABIT NA MGA WIRE NG MERALCO. TILA HINDI NAPAPANSIN NG KINAUUKULAN. MAY TUKOD NGANG BAKAL TILA ALANGANIN ANG TAYO. KAKAYANIN KAYA NG DAMBUHALANG POSTE ANG GANITONG NAPAKARAMING WIRE NA NAKAKABIT SA NATURANG POSTE. – MATA NG LANSANGAN.
Talamak na naman bentahan ng droga sa Brgy. 172, Pasay City
Gud pm po. Nais ko pong mai-report ang bentahan ng drugs d2 sa Bgy. 172, Pasay City. Mga tulak dito sina danilo, diane, belda, jaja, at nikko. Sana maaksyunan ito ng kapulisan. sana mahuli na mga ito. Sana matokhang na, kasi parang wala na silang takot sa mga pulis. Lantaran na ang ginagawa nila dito sa aming brgy. – Concerned citizen
Bgy. Tanod sa Pasay protektor ng mga adik
Gud morning po. Nais ko pong maiparating sa kinauukulan na may isang tanod ng Brgy. 172, Pasay City, na protektor ng mga gumagamit ng marijuana. Pag ipapahuli na sa pulis ay tinitimbrehan, kaya pag dumating na ang pulis wala nang maabutan. Sana aksyunan ng kapitan itong tao na ito, sibakin na bilang tanod para di makasira sa brgy. na sakop nya. – Concerned citizen lang po