Advertisers

Advertisers

Yasmien happy sa pinagbibidahang drama show sa Kapuso

0 375

Advertisers

Ni ROMMEL GONZALES

MASAYA ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi sa overall outcome ng pinagbibidahan niyang GMA drama anthology na ‘I Can See You: The Promise’.

Ang ‘The Promise’ ang ikalawang installment ng weekly series na ‘I Can See You’ na kasama niya ang mahuhusay na Kapuso stars na sina Paolo Contis, Andrea Torres, Maey Bautista, at Benjamin Alves.



Bukod daw sa nakamamanghang cinematography at kakaibang kwento, proud din ang Kapuso actress sa kanilang breathtaking location na ipinakikita ang ganda ng Pilipinas.

“Ang ganda rin kasi karamihan sa atin ngayon nasa bahay, hindi tayo nakakalabas dahil quarantine nga, itong I Can See You: The Promise, makikita nila ‘yung ganda ng Pilipinas,” ani Yasmien.

Hindi tuloy kataka-taka na sinusubaybayan at trending gabi-gabi ang mini-series. Huwag nang magpahuli at tumutok na sa ‘I Can See You: The Promise’, 9:15PM, sa GMA.

***

BUBUHOS ang all-out performances at exciting na mga paandar mula sa naglalakihang Kapuso stars sa GMA musical-comedy-variety program na ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo (October 11).



Abangan ang inihandang all-out K-pop opening number ng Kapuso stars na sina Alden Richards, Rayver Cruz, Gabbi Garcia, Glaiza De Castro, Miguel Tanfelix at Julie Anne San Jose.

Makikisaya rin ang cast ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday na sina Barbie Forteza, Kate Valdez at Migo Adecer pati na rin ang Prima Donnas stars na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Will Ashley, Vince Crisostomo, at Elijah Alejo.

Present din ang stellar cast ng upcoming GMA drama anthology na ‘I Can See You: High-Rise Lovers’ na sina Tom Rodriguez, Winwyn Marquez, at Lovi Poe.

Pagalingan naman sa pag-arte sina Jeric Gonzales, Paul Salas, at Denise Barbacena sa “Ang Drama Mo” kasama ang guest judge na si Rhian Ramos.

Bukod sa exciting na performances, marami pang Kapuso stars ang hindi dapat palampasin! Tumutok na sa ‘All-Out Sundays’ ngayong Linggo, sa mas pinahaba nitong oras 12:00PM-1:45PM, sa GMA-7.

***

NGAYONG Huwebes (October 8), tampok si Jenzel Angeles sa “DOTS: How To Do It!” na ipakikita kung paano gumawa ng simple ngunit festive na Christmas decorations.

Live na mapapanood ang video at 7 p.m. sa official Facebook page ng ‘Descendants of the Sun Ph’.

Samantala, nalalapit na rin ang pagbabalik sa primetime ng DOTS. Pagbabahagi ni Jenzel, kapana-panabik ang mga susunod na eksenang mapapanood ng Kapuso viewers. “Abangan po natin ang mangyayari sa love story nina Doc Beauty and Captain Lucas, at syempre sa mga panganib na sabay-sabay haharapin ng special forces at medical team. I’m sure na madami pong mapapasaya, mapapaiyak, and kikiligin sa pagbabalik ng DOTS Ph.”

***

NGAYONG Sabado (October 10), mapapanood sa Magpakailanman (#MPK) sa GMA ang “The Lockdown Wife,” isang bagong episode tungkol sa napapanahong kuwento ng isang  battered wife na nakakulong sa bahay kasama ang isang abusadong asawa ngayong panahon ng community quarantine.

Sa unang tingin, tila napakasaya at payapa ang pagsasama ng mag-asawang sina Lorie at Dexter, larawan sila ng isang happily married couple. Upang matupad ang pangarap nilang magkaroon ng mga anak, umalis sa trabaho si Lorie at nanatili sa bahay habang si Dexter naman ang nagpatuloy sa trabaho para sa kanilang mga pangangailangan.

Nguni’t sa paglipas ng mga araw, nagbago ang ugali ni  Dexter at tumatak sa isip nito na si Lorie ay isang bagay na pag-aari niya, na maari niyang gamitin at saktan at gawan ng kahit na anong gusto niya.

Tampok sa naturang episode sina Bea Binene at Martin del Rosario, kasama sina James Teng at Maritess Joaquin. Ang ‘The Lockdown Wife’ ng Magpakailanman ay direksyon ni Rado Peru.

***

MASAYANG kuwentuhan at kulitan ang naganap sa episode ng GMA Artist Center online show na ‘Hangout’ kasama ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda!

Napuno ng kilig at good vibes ang naging virtual get-together ng fans kasama si Kelvin na tuwang-tuwa sa Q&A, games, at iba pang pakulo na inihanda ng kanyang mga tagahanga mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Huwag kalimutang mag-sign up sa #TeamArtistCenter para magkaroon ng exclusive invites sa mga darating nilang special events kasama ang mga favorite Kapuso stars. Alamin kung paano sumali sa kanilang official social media pages.