Advertisers
Ni Beth Gelena
TILA pinaglalaruan lang maman yata ng couple na ito ang mga Maritess.
Imagine, wala.pang isang linggo ang un-followhan sa social media, heto at naka-unfollow na raw si Cristine Reyea sa socmed ng jowang aktor na si Marco Gumabao.
Ganyan din ang nangyari last na napabalitang hiwalay na sila, yun pala hindi naman totoo.
Feeling tuloy ng netizens ay gimik lang ng celebrity couple dahil mukhang nawawalan na sila ng espasyo sa showbiiz isyu kaya gumawa sila ng kanilang kaganapan para raw mapag-usapan.
Totoo namang napag-usapan katunayan na-headline pa nga ang celebrity couple.
Ngayon, may nagbulgar naman na muling naka-follow na raw si Cristine sa socmed ng boyfriend.
Komento naman ng netizen: “Tagal naman mag-follow back ni Marco.”
“Sya na nag adjust para di na mag overthink yung mga marites hehe”
“Para sa kampanya lang yun pag unfollow”
“Grabe na siguro tawa nilang dalawa ngayon mga netizen over acting. What if nantritrip lang sila Hahahaha”
“Para sa politics gagawin nilang magmukhang eng eng kala ikakapanalo nya yan lol”
Sey naman ng isang commenter, ‘Wala! Hindi kaya… Marupok…’ na tila patungkol sa aktres.
*Ginawa ng sugar mommy si girl binilhan pa ng rolex yan.”
“Gawa ng issue bago mag eleksyon para may name recall.
Ok. Gets.””Sabi Na papansin Lang sila gaya dati”
***
KYLIE IMPORTANTE ANG TIWALA
PARA kay Kylie Padilla, inihayag kung gaano ka-importante ang trust.
Sa kanyang Instagram, ibinahagi niya ang ilng snaps na kuha sa tila workshop ng kasamahan niyang actors at mga aktres.
Aniya sa caption: In the caption: “One thing I know is that trust is a huge for me onset and that’s why building that trust before the show on any project for that matter is crucial for me. I can’t wait to start. Today was profound'”
Ang project na tinutukoy ng Kapuso aktres, ay ang My Father’s wife.kung saan ang role na kanyang gagampanan ay isang anak.
***
PINAGDIINAN ni Yassi Pressman na hindi siya nagparetoke.
Ang laki raw kasi ng ipinagbago ng kanyang mukha and beside sibra raw nitong payat.
Sa latest vlog na ibinahagi ni Alex Gonzaga kung saan guest si Yassi ay nausisa ito kung may katotohanan ba ang mga naglalabasang isyu tungkol sa kanya.
“Yassi, trending ka ngayon sa TikTok pati sa Facebook. Maraming hindi nakakakilala sa ‘yo… May pinagawa ka na ba sa mukha mo? Ano ‘yan? Ang diretsang tanong ni Alex.
Agad niyang sagot, “Wala [akong pinagawa].”
Tanong uli ni Alex, “bakit marami ang nagsasabing may nagbago sa iyong mukha?
” Hindi ko alam. Honestly, tine-take ko siya na sobrang malaking compliment,” sambit ni Yassi.
Kuwento niya, nagsimula raw ang pag-iba ng kanyang hitsura appearance sa Sinulog Festival sa Cebu.
At binago na rin niya ang looks niya sa movie na kanyang ginagawa.
“Ang laki ng ipinayat ko. Nagbago ako ng hairstyle. Nag-prepare talaga ako for this movie. Gusto ko ‘yung itsura niya talagang iba tapos payat tapos [dahil] horror, kailangan palagi kang stressed. Ayoko ‘yung look ko dati na masaya, na bubbly,”
lahad pa ni Yassi.
Hindi pa rin siya tinigilan ni Alex at inusisa kung gawa ba ang kanyang ilong.
“Wala! Totoo ‘yung ilong ko,” sey pa ni Yassi.
Sabagay, maging kami man ay nanibago sa bagong looks ni Yassi.
Sa isang TVC kung saan may iniendorso siyang isang partylist ay hindi rin naman namukhaan ang TV host aktres.
Feeling nga namin ay si Kathryn Bernardo dahil ang laki ng hawig.
Pero, nagtataka kami dahil maputi ang nasa screen, and beside habang nagsasalita ay ang boses ni Yassi Presman ang aming naririnig.
Saka lang sumagi sa isip namin na si Yassi.ang girl dahil ang ini-endorso niya ay Bicol.partylist, e di ba ang boyfriend niya ay gobernador ng Bicol na si Luigi Villafuerte.
Yun lang po.. analisa lang po ng inyong lingkod.