Advertisers

Advertisers

Tiglao sinampahan ng cyber libel ng NBI

0 4

Advertisers

Nagsampa ng cyber libel complaint ang NBI-Central Visayas Regional Office (NBI-CEVRO) laban sa kolumnistang si Rigoberto Tiglao.

Dahil ito sa isang artikulo na naglalaman ng umano ng malicious at walang basehang claim laban kay Deputy Speaker at Cebu 5th District Representative Vincent ‘Duke’ Frasco.

Sinabi ni NBI-CEVRO Regional Director Atty. Rennan Oliva na nag-ugat ang reklamo sa isang ulat na natanggap ni Frasco kaugnay sa isang online na artikulo na pinamagatang ‘Cebu Rep Details How Impeachment Bribery Worked’.



Ayon kay Oliva, walang anumang makatotohanang batayan at walang ipinakitang ebidensya ang artikulo upang suportahan ang mga pahayag.

Nahaharap na ngayon ang kolumnista sa mga kaso sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012 para sa cyber libel kaugnay ng Article 355 ng Revised Penal Code.