Advertisers

Advertisers

SEN. BONG GO AT DUTER’TEN

0 4

Advertisers

KAHIT saang survey o pulso ng bayan daanin, lalong tumibay ang puwesto ni reelectionist Senator Bong Go sa top one ng senate race para sa parating nang midterm election sa Mayo 12 ng taon.

Iba kasi pag may napatunayan ang taumbayan sa ìsang katulad ni Go na mula day one ng kanyang termino ay serbisyo publiko na ang inatupag niya bilang pagtupad ng pangako na kanyang plataporma para sa tao.

May mga elementong nais siyang hilahin pababa pero di sila magtatagumpay dahil mas makapangyarihan ang tao lalo na ang mamamayang kanyang napaglingkuran.



Dahil dito ay napaganda rin ang posisyunan ng kanyang mga kaagapay o katiket sa lalong lumalakas na DUTER’TEN bets ng PDP Laban na kinabibilangan nina Sen.Bato Dela Rosa, Pastor Quiboloy,Cong.Atty.Marcoleta,Atty.Rodriguez,Atty.Hinlo, Atty.Lambino,Atty.Bondoc, Atty.Mata at Ipe Salvador.

Dahil sa good news at magandang pangyayari lately sa karera ng SBG ay narito ang kanyang opisyal na pahayag para sa lahat ng Pilipino:

“Labis ang aking taus-pusong pasasalamat sa patuloy na suporta at tiwala ng ating mga kababayan. Nagbibigay ito ng dagdag na rason sa isang simpleng probinsyanong katulad ko na patuloy magbigay ng sipag, malasakit at more serbisyo sa mga Pilipino.

Anim na taon ang nakaraan, sa araw mismo ng aking proklamasyon at bago pa man nagsimula ang aking termino bilang halal na senador, pagseserbisyo na kaagad ang ginawa ko.

Kahit saang sulok ng bansa, mapa-bagyo, lindol, baha, sunog, pandemya, nagseserbisyo ako sa ating mga kababayan, lalo na ang mga mahihirap at mga Pilipinong walang ibang malalapitan kundi ang pamahalaan.



Patuloy na magtatrabaho ako para sa mga Pilipino sa abot ng aking makakaya.

At sa nalalabing dalawang linggo bago ang halalan, patuloy ko ring hinihikayat ang ating mga mamamayan na suportahan ang aking mga kasamahan sa Duter-TEN senatorial slate upang masigurong maipagpatuloy natin ang mga magagandang pagbabagong nasimulan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Muli, maraming salamat sa inyong suporta at hinding-hindi ko sasayangin ang inyong tiwala” ani Kuya Bong Go.MISMO!

LOWCUT- Special shoutout sa ating kaisport at ka- Uppercut na si Kuya ‘BOY’ Lleva , ang taal na taga Sitio Imelda sa Bgy. Upper Bicutan, Taguig City kudos to M’dam Edna. Greetings sa ating tsokaran na si SG Vhergel Divina ng Mc Donalds Libertad diyan sa Taft Ave. , Pasay City.