Advertisers

Advertisers

‘Prime water’ bakit pinopolitika?

0 117

Advertisers

OBVIOUS na obvious ang paninira at pagbanat sa negosyong Prime water ng pamilya Villar na tila nahahaluan pa ng pulitika matapos na iindoso ni Vice President Sara Duterte ang kandidatura ni Camille Villar na tumatakbong senador sa ilalim ng Alyansa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,

Hindi man aminin ang katotohanan na binabatikos ang kumpanyang Prime Water lalo na’t nalalapit na ang Mayo 12  election.

Hindi sana halata ang paninira kung walang eleksyon at walang Villar na tumatakbo ngayong darating na halalan.

Hindi naman siguro kasalanan ng kumpanyang Prime Water kung iindoso ni Duterte ang kandidatura ni Camille na anak ni dating Senate President Manuel “Manny” Villar, Jr. na siyang pinuno ng kumpanya.

Pakatandaan po natin na kahit pa hindi tumatakbo noon si Villar na senador ay isa nang lehitimong kumpanya ang Prime Water na ngabibigay serbisyo sa taong bayan upang makapaghatid ng malinis na tubig sa bawat mamamayan na kanyang nasasakupan.

Ang batang Villar naman na tumatakbong senadora ay mayroon na din namang napatunayan na naglilingkod ng tapat sa bawat mamamayang Filipino haban siya at noong maluklok siyang kinatawan ng Las Piñas.

Hindi siguro masama na kung magtiwala at magpakita ng suporta ang sinuman sa batang Villar dahil sa nangangahulugan lamang na nakita nila ang potensyal at kakayahang maglingkod ng batang Villar sa bawat mamamayang Filipino.

At hindi din tama na pilit winawasak ang isang maayos at lehitimong kumpanya ng dahil lamang sa pulitika.

Isipin na lamang natin sino pa ang gaganahang investor kung ganito natin tatratuhin ang isang kumpanya na iuugnay sa pulitika.

Hindi ba tayo masaya na ang namumuhunan sa ating sariling bayan ay kapwa Filipino at hindi dayuhan.

Sana mag-isip-isip naman itong mga taong wala na yatang magawa kundi ang pumuna ng mga bagay bagay na tiyak na wala namang kontribusyong magandang ginawa sa ating bayan.