Advertisers

Advertisers

Pahayag ni Sen. Imee sa Duterte arrest kinontra ni PBBM

0 3

Advertisers

“EVERYONE’s entitled to their opinion.”

Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isang ambush interview sa Silang, Cavite kasunod ng pahayag ni Sen. Imee Marcos na pulitika ang motibo sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Subalit ayon sa Pangulo, hindi siya sang-ayon sa opinyon ng senadora.



Ginawa ni PBBM ang pahayag matapos igiit ni Sen. Imee na may planong ibagsak ang pamilya Duterte at pagtakpan ang tunay na motibo sa likod ng mga isinampang kaso laban sa dating Presidente.

Maaalalang isiniwalat ni Sen. Marcos na may malawakan umanong pagsisikap o sabwatan para sirain ang pangalan ng mga Duterte sa pamamagitan ng mga kaso sa International Criminal Court (ICC), bagay na itinanggi naman ni Pangulong Marcos. (Gilbert Perdez)