Advertisers

Advertisers

MAG-ASAWANG SANDOVAL KINASUHAN SA GOOD FRIDAY CAMPAIGN

0 2

Advertisers

SINAMPAHAN ng reklamo sa Commission on Elections ang mag-asawang sina Malabon City Mayor Jeannie Sandoval at ex-congressman Ricky Sandoval kasunod ng pangangampanya nito kahit ‘Good Friday’ sa kalagitnaan pamandin ng prusisyon sa Barangay Dampalit.

Sa reklamong inihain ni Darren David, taxpayer at lehitimong residente ng Malabon, noong Biyernes Santo, Abril 18, mismong sina Mayor Sandoval at ang mister nitong si Ricky ang namimigay ng campaign leaflets at iba pang materyales sa pangangampanya habang nagaganap ang prusisyon sa barangay.

Sa personal na paghahain ng reklamo ni David sa Comelec-Intramuros, sinabi nitong nilabag ng mag-asawang kandidato ang Section 5 (b) ng Republic Act 7166 at Comelec Resolution No. 11086 na mahigpit nagbabawal sa pangangampanya sa panahon ng Semana Santa, partikular ang Maundy Thursday at Good Friday.



Si Mayor Sandoval ay kumakandidato para sa reeleksiyon ng pagka-alkalde, samantang si Ricky ay tumatakbo para sa pagkakongresista ng lungsod.

Kaugnay nito, hiniling ng petitioner sa Comelec na aksiyunan ang paglabag ng mag-asawa sa pamamagitan ng pagdiskuwalipika sa mga ito upang maipakita sa mga mamamayan na walang mas nakatataas sa mga batas ng umiiral sa bansa.