Advertisers
NAMATAY sa atake sa puso ang isang lalaki sa ginawang payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) katuwang si Marikina 2nd District Rep. Stella Quimbo sa Marikina Sports Center.
Isinugod ang lalaki sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center kung saan siya binawian ng buhay.
Nabatid na namatay sa cardiac arrest ang lalaki dahil sa sobrang pagod at init.
Ayon sa mga saksi, hindi agad nabigyang pansin ang lalaki dahil inuna pa ng mga coordinator ni Quimbo na pagbawalan ang mga tao na kumuha ng video.
“Imbes na asikasuhin, busy pa yung coordinator nyo na paalalahanan ang mga tao na wag kumuha ng video. Ang nag-respond, nurse na kasama sa tumanggap ng ayuda. Wala kayong sense of urgency sa medical emergency,” wika ng isang netizen na nag-share din ng mga larawan sa loob ng siksikang payout site.
Sa isang video, makikitang nakabilad sa init sa labas ng Marikina Sports Center ang iba pang mga umaasang mabibigyan ng ayuda ni Quimbo.