Advertisers

Advertisers

KABABAIHAN, MAHALAGA SA PEACE PROCESS — ADMIN

0 3

Advertisers

KINILALA ni Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. ang malaking papel ng kababaihan sa pagsusulong ng kapayapaan sa Mindanao at sa buong Pilipinas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Galvez na mahalaga ang edukasyon at pagpapalakas ng kababaihan upang makamit ang tunay na kapayapaan.

Binanggit ni Galvez ang tagumpay ni Miriam Coronel, ang kauna-unahang babaeng naging chief negotiator sa mundo, bilang patunay ng importanteng kontribusyon ng mga kababaihan sa proseso ng kapayapaan.



Kaugnay nito, sinabi ni Galvez na inilunsad ngayong taon ang Center of Excellence on Women, Peace and Security kung saan layunin nitong kilalanin ang Pilipinas bilang modelo ng Women, Peace, and Security (WPS) hindi lamang sa Asia-Pacific kundi sa anim pang rehiyon sa buong mundo.

Dagdag pa ni Galvez, isusulong ang local implementation ng National Action Plan on Women, Peace and Security (NAPWPS) 2022–2033 na dito’y kabilang ang pagbuo ng Bangsamoro Regional Women, Peace and Security Plan.

Bukod dito, target din ng pamahalaan na makabuo ng network ng mga lider-kababaihan mula sa mga lokal na pamahalaan, pribadong sektor, at hudikatura.

Ayon pa sa kalihim, nakatakda ring idaos ngayong Oktubre ang national congregation o Conference for Women, Peace, and Security.

Sa taong 2026 naman, sinabi ni Galvez na pangungunahan ng Pilipinas ang ASEAN at regional movement na may kinalaman sa parehong adbokasiya, kasabay ng paghawak ng bansa sa ASEAN leadership. (Gilbert Perdez)