Advertisers
HANDANG harangin ni Senadora Imee Marcos sakaling isunod si Vice President Sara Duterte na arestuhin ng International Crimininal Court.
“Wala tayong balak na isuko ang soberanya ng ating Pilipinas at ibalewala ang ating husgado,” pahayag ni Marcos sa press briefing sa Senado.
Nang tanungin kung ano ang mga hakbang na kanyang gagawin, tugon ni Marcos,
“Iniisip ko pa kung ano ang kailangan gawin dahil tulad nga ng sinabi ko haka-haka pa lamang ito ngunit nakita natin sa nakaraang dalawang taon. Itong mga haka-haka, duda at suspetsa madalas mas nagiging totoo.”
Sa tingin din aniya posibleng may mga ginagawang preperasyon ang Bise Presidente sa nasabing isyu.
Una nang ibinunyag ni VP Sara na maaaring siya na ang isunod ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakapiit ngayon sa The Hague. (Mylene Alfonso)