Advertisers

Advertisers

TSIS AT IMPEACHMENT TRIAL NI MISFIT SARA

0 21

Advertisers

KAHIT ano ang resulta ng halalan sa Mayo 12, tuloy ang paglilitis ni Misfit Sara pagsapit ng ika-30 ng Hulyo sa taong ito. Nabalam ni Tsis ang impeachment trial ni Misfit Sara, ngunit hindi ito nangangahulugan na lusot na sa pananagutan ang pangalawang pangulo. Kailangan sagutin niya ang mga paratang ng Camara de Represante na naunang inilatag ng mahigit sa 200 kasaping mambabatas na lumagda sa kanyang impeachment.

Tanong: Ano ang maaaring asahan sa impeachment trial ni Misfit Sara?

Ani Tsis, pupulungin sa ika-30 ng Hulyo, 2025 ang Senado bilang impeachment court upang litisin si Misfit Sara batay sa Articles of Impeachment na isinampa ng Camara de Representante matapos lagdaan ito ng mahigit 200 kasaping mambabatas. Isinumite ito noong Pebrero ngunit nagpasya mag-isa si Tsis na huwag agad pulungin ang Senado bilang hukuman dahil nasa recess ang Kongreso at wala itong regular na sesyon. Ipinagpaliban ni Tsis pagkatapos ang susunod na SONA ni BBM.



Bilang pangulo ng Senado, si Tsis ang mangangasiwa sa ikatatagumpay ng paglilitis kay Misfit Sara. Ibabatay niya ang bawat pasya at kilos sa probisyon ng Saligang Batas sa impeachment. Hindi niya maaaring labagin ang itinatadhana sa Saligang Batas. Malinaw ang Saligang Batas tungkol sa proseso ng impeachment.

Kaya isang malaking palaisipan kung bakit itinakda niya ang pulong ng Senado bilang hukuman sa ika-30 ng Hulyo kahit sinabi ng Konstitusyon ang salitang “forthwith,” o sa pinakamadaling panahon. Binaluktot ni Tsis ang Konstitusyon sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. Naging dahilan ito upang pagdudahan na may ibang pakay si Tsis. Ang pakay ni Tsis ay hanggang maaari ilusot si Misfit Sara sa kapahamakan.

Kahit anong pigil ang gawin ni Tsis, hindi ito magtatagumpay sapagkat malinaw ang Saligang Batas. Natapos ang impeachment ni Misfit Sara sa Camara de Representantes at inakusahan siya ng paglabag sa Saligang Batas at iba pang krimen. Isinumite ng Camara ang Articles of Impeachment sa Senado at nilagdaan ito ng mahigit 200 kasaping mambabatas sa Camara. Obligado si Tsis na pulungin ang Senado bilang impeachment court.

Tanging ang Saligang Batas ang batayan ng anuman proseso ng impeachment sa bansa. Gayunpaman, hindi saktong batay sa letra ng batas. Isa itong proseso na pulitikal at lubhang makiling. Labanan ito ng mga paksyon ng iba’t-ibang lapian at puwersang pulitikal sa bansa. Kasama rin ang mga malalaking pamilyang pulitikal sa labanan.

Kahit anong gulo ng prosesong impeachment, kailangan linawin ang pinapakay nito sa bansa. Paraan ito upang itakda ang pamantayan ng pananagutan at wastong pamamahala sa bansa. Ito ang paraan upang ipatupad ang mga batas at makamit ang inaasam na kaayusan, katahimikan, at kapayapaan ng bansa.



Ito ang suliranin ni Tsis sa nakatakdang paglilitis ni Misfit Sara. Dahil malayo ang pakay niya sa totoong pakay ng paglilitis, nagkakabuhol-buhol na ang kanyang mga pahayag. Hindi niya nailatag ang kanyang pakay dahil totoong masaktan ang kanyang political career, sa aming pakiwari. Maiging maintindihan natin na nais niya na siya ang mangibabaw sa proseso.

Sa maikli, sa gitna ng hamog ng digmaan, nais ni Tsis na siya ang umabante, na siya ang itanghal na pangunahing kandidato sa pangulo sa 2028. Nais niya na makuha ang mga supporter ng halo-halong puwersa ng bansa. Matyagan natin kung paano manipulahin ni Tsis ang paglilitis kay Misfit Sara.

***

NAPAILING kami nang napanood namin ang video clip kung saan pinagmumura ni Misfit Sara sina Kin. Joel Chua at Rolando Valeriano ng ikatlo at ikalawang distrito sa Maynila. Umulan ang salitang “PI” mula sa bibig ng bastos at mangmang na si Misfit Sara. Nawala ang kagandahang asal kahit katiting mula sa kanya. Masahol pa siya sa lumaki sa iskwater.

Pinagmumura ni Misfit Sara ang dalawang mambabatas dahil sa kanilang mabisang inisyatibo sa matagumpay na iharap ang Articles of Impeachment laban sa kanya sa Senado. Si Valeriano ang

Nagdeliver ng privilege speech upang isa-isahin ang mga paglabag sa batas ni Misfit Sara. Binuo agad ng liderato ng Camara ang komite on good governance at hinirang na hepe nito si Chua. Nagpatawag ng pagdinig ang komite ni Chua sa mga maling gawi ni Misfit Sara.

Hindi masyadong kilala ang dalawang mambabatas ngunit kinakitaan sila ng husay sa masusing pag-iimbestiga sa usapin ni Misfir Sara. Kahit ang pangalawang pangulo ay natakot kay Chua at minarapat niya na huwag dumalo at magpaliwanag sa maraming bintang sa kanya. Epektib si Chua at Valeriano.

Habang nagmumura si Misfit Sara sa rali ni Isbo Moreno sa Plaza Moriones, nagsigawan ang mga tao ng “Marcos, Marcos.” Ito marahil ang dahilan kung bakit uminit ang ulo ng tila baliw na si Misfit Sara. Hindi sumagot si Chua at Valeriano dahil hindi kagalingan si Misfit Sara.