Advertisers

Advertisers

Supporter ng takbong mayor natagpuang patay

0 7

Advertisers

Natagpuang patay sa creek ang isang taga-suporta ng mayoral candidate sa Santo Niño, Cagayan, noong Biyernes ng gabi.

Nadiskubre ang bangkay ni Jayson Cacal, residente ng Barangay Centro Norte at kilalang taga-suporta ni mayoral candidate Jay-Em Cuntapay, 11:00 ng gabi sa isang creek sa Barangay Lipatan.



Base sa mga pulis, natuklasang may tama ng bala sa ulo si Cacal.

Huling nakita ang biktima na dumalo sa isang campaign rally bago maiulat na nakipag-inuman sa isang birthday party noong araw na iyon.

Ayon sa mga awtoridad, iniimbestigahan na nila ang motibo sa likod ng pagpatay at inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng salarin.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">