Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
PERSONAL na dumalo si Senator Christopher “Bong” Go sa state funeral para sa yumaong Superstar na si Nora Aunor nitong Martes, April 22 sa Libingan ng mga Bayani.
Bago iyon ay pumunta rin ang Senador sa burol ng National Artist for Film and Broadcast Arts sa The Heritage Chapels.
Sa libing mismo ni Nora o Ate Guy ay hindi inalintana ni Senador Go at nina Senator Robinhood Padilla at longtime friend ni Ate Guy na si Phillip Salvador ang napakainit na araw upang ihatid sa huling hantungan ang Superstar.
At ayon kay Senator Bong Go…
“Una sa lahat, nakikiramay po ako sa pamilya ng ating National Artist at Superstar of Philippine cinema, si Nora Aunor.
“Bilang haligi at isa nang institusyon, malaki siyang kawalan sa industriya ng pelikulang Pilipino.”
Nagsimula ang kanilang pagkakaibigan noong 2022 sa Malacañang Palace nang ialay kay Ate Guy ang kanyang Order of National Artists of the Philippines ng noon ay Pangulong President Rodrigo Duterte. “Talagang nilapitan ko po siya,” kuwento ni Senator Go.
“Nilapitan ko at sabi ko, ‘Congratulations.’ Isa pong malaking karangalan na makilala siya.”
Ibinahagi ni Senator Go, na isang tagahanga at supporter ng Pelikulang Pilipino, ang panonood niya noong kabataan niya, sa mga sinehang yari pa sa kahoy, ng mga pelikula nina Robin, Philip, Lito Lapid, na ngayon ay mga kasama niya sa Senado.
Ang makita at makilala naman si Nora ay isang pangarap na nagkatotoo.
“Dati po sa pelikula lang, napapanood ko lang siya sa big screen. Noon (2022), nakaharap ko na po ang tinaguriang nag-iisang Superstar ng pelikulang Pilipino.”
Doon nagsimula ang kanilang pagkakaibigan…
“Nagte-text po kami. Nagpapadala ako ng pomelo sa kanya, tapos nagkukuwentuhan kami.
“Siya po, naging textmate ko na.”
Ibinahagi rin ni Senator Go ang boluntaryong pag-eendorso sa kanya ng Superstar sa mga kapwa nito Bicolano.
“Gusto niya po akong samahan. Gusto niya po akong tulungan. Ako po’y sobrang nagpapasalamat. “Isa pong malaking karangalan na ma-endorso at mapagkatiwalaan ng isang Superstar tulad ni Ate Guy.”
Nito lamang March 30, sa Facebook post ni Ate Guy ay binanggit nito si Senator Go bilang si “Mr. Malasakit” at pagpuri sa serbisyo ng Senador sa publiko.
“Sabi ko, hindi ko po sasayangin ‘yung tiwala na ibinigay niya sa akin, kaya patuloy po akong magseserbisyo sa ating mga kababayang Pilipino.” “Naniniwala po ako na ang serbisyo sa tao ay serbisyo po ‘yan sa Diyos.”
“As part of his ongoing efforts to promote the welfare of those in the creative sector, Senator Go is a co-author and co-sponsor of the Eddie Garcia Law, which seeks to provide comprehensive protection and just benefits for film and television workers.
He is also pushing for the passage of his filed Senate Bill No. 1183, or the Media and Entertainment Workers Bill, aimed at further institutionalizing greater safeguards and fair treatment across the sector if enacted.
Senator Go, who has served as a dedicated member of the MMFF Executive Committee for six years, is also pushing for his proposal to hold the MMFF twice a year, with plans to hold and strengthen the Metro Manila Summer Film Festival. He believes this initiative will create more opportunities for filmmakers and industry workers while giving audiences more chances to enjoy Filipino films.