Advertisers

Advertisers

Politi-Sports!

0 4

Advertisers

Dalawang linggo na lang ay halalan na muli.

Kakaiba ang sitwasyon sa original na Erap City.

Sa bayan mg San Juan kasi ay dalawang dating basketbolista ang naglalaban sa pagiging punong lungsod. Mayor Francis Zamora vs Philip Cesar.



Nasa pangalawang termino na ang dating sentro ng La Salle sa UAAP at Welcoat sa PBL.

Hinahamon siya ni ex vice mayor ng siyudad na naglaro noon sa JRU sa NCAA at Crispa sa PBA.

Nasa kampo si Cesar ng mga Estrada samantalang anak ng long-time congressman na Ronnie Zamora si Francis. Dati silang magkaalyado pero ngayon mortal ng magkaaway.

Nasa line-up ni Zamora bilang konsehal sina James Yap at RenRen Ritualo.

Ire naman si Dodot Jaworski ay ka-tandeml ni Vico Sotto sa Pasig.



Yung former RP Youth coach at FedEx assistant Johnny Tam ay nagbabakasaling maging alkalde ng Paete sa Laguna. Kilala sa lansones at wood carvings ang municipalidad. Siyempre sikat din na ito ang hometown ni Allan “The Triggerman” Caidic.

Alam nyo ba na ang MPBL na liga ni Manny Pacquiao ay partylist na rin. Kakatawanin daw nila ang mga atleta sa Kongreso.

Nominee nila si Jinkee na asawa ng pambansang kamao at si league Commissioner Kenneth Duremdes pati si Ron Munsayac.

Siyempre nandyan pa ang 1-Pacman at PBA partylist na ginamit ng ibang grupo para sa mga manlalaro kuno.

***

Tactical maneuver nga ang last minute move na pag-endorso ni Leni Robredo ang kay Pacquiao.

Nadamay pa ang kay BenHur Abalos. Parehong nakalista sa Partido Fedeal ang dalawang ito na bahagi ng Alyansa ni BBM.

Kapalit ay ang pagsama sa sample ballot ng lapian kina Bam Aquino at Kiko Pangilinan na mga personal na kandidato ni LGR. May mga command vote ang admin lalo na sa Ilocandia at NCR. Pati sa Mindanao ay malakas din ang hatak ng anak ni Mommy Dionesia.

Idinagdag pa ang pahayag ni dating Senate President at LP lider Frank Drilon kina Abalos at Pacman. Balwarte naman ni Drilon ang Iloilo.

Tingnan natin ang kalapabasan ng final tally. Kanino ang may bigat na endorsement? Kay Leni o kay Sara na pinili naman sina Imee at Camille mula sa handy ni Bongbong.?

***

Sobrang banas noong Linggo ni Aling Barang.

Mangyari natalo ulit Lakers sa Wolves sa kanilang first round match up.

Sa halip naitabla nina LeBron James ang serye ay down sila kina Anthony Edwards ng 1-3 ngayon.

Panalo na sana pero kinapos sa huling mga segundo. From title favorite to early bakasyonistas sina Luka Doncic.