Advertisers

Advertisers

P20 na bigas ibebenta na rin sa Kadiwa ng Pangulo stores

0 3

Advertisers

MABIBILI na sa mga Kadiwa Center sa buong bansa ang halagang P20.00 na bigas simula sa May 2.

Alinsunod ito sa Bente Bigas Mo pilot program ng pamahalaan sa Visayas at ilang piling Local Government Unit o LGU sa buong bansa na layong magbenta ng mura at de kalidad na bigas.

Ayon kay Agriculture Sec. Francisco Tiu Laure, tanging indigents, Solo Parents, Senior Citizens at Persons with Disability o PWDs lamang muna ang makabibili ng hanggang tatlumpung kilo ng bigas sa mga Kadiwa Store dahil sila ang pinakanangangailangan.



Iginiit ng kalihim na maganda ang kalidad ng bigas na ibebenta sa halagang bente pesos dahil bibilhin ito ng National Food Authority sa mga lokal na magsasaka.

Nakakuha na rin aniya sila ng COMELEC exemption para magbenta ng nasabing bigas at inaasahang makatutulong para paluwagin ang mga bodega ng NFA para naman sa mga aanihin ngayong tag-araw.

Una nang iniulat ni NFA Administrator Larry Lacson na mahigit sampung milyong sako na ng palay ang nakaimbak sa mga bodega ng ahensya.