Advertisers

Advertisers

MGA LEHITIMONG EMPLEYADO SA PASIG CITY HALL DAPAT IBALIK SA PWESTO AYON SA ISANG GRUPO

0 4

Advertisers

HINILING ng mga residente ng Pasig City na ibalik ang lahat ng lehitimong empleyado ng Pasig City Hall na anila ay inalis sa kanilang pwesto at pinalitan ng mga empleyadong taga- Quezon City nang maupo sa pwesto si Mayor Vico Sotto noong 2019.

Ginawa ang panawagan matapos magreklamo ang ilang residente at business owners sa naranasan nilang hindi maayos na serbisyo sa Pasig City Hall.

Ayon sa Samahan ng mga Kooperatiba sa Pasig (SAKOP), kung maibabalik sa kani-kanilang pwesto ang mga lehitimong empleyado ay mas masisiguro ang de kalidad na serbisyo publiko sa mga Pasigueños.



Pinuna rin ng grupo ang kabiguan ng kasalukuyang LGU na maihatid ang mga pangakong serbisyo sa nakalipas na anim na taon sa pwesto ng alkalde.

Kabilang dito ang pangakong ipapaayos ang ospital sa lungsod upang makapagbigay sana ng mas tama, mabilis at maayos na serbisyo sa mga residente ng lungsod na nangangailangan ng tulong medikal.

Gayundin ang pagpapatayo ng City University na pakikinabangan sana ng mga mag-aaral ng lungsod.

Nais din ng grupo na imbestigahan ng Department of Education (DepEd) ang pagkakaroon umano ng 25,000 na estudyante na nasa listahan ng scholarship ng Pasig City Hall gayung 8,000 mag-aaaral lamang ang kayang i-accommodate ng sa tatlong kolehiyo sa Pasig City.

Binanggit din ng SAKOP ang anila ay talamak na korapsyon sa City Hall na ikinukubli ng kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng pagpupukol ng mga akusasyon sa laban sa kumpanyang St. Timothy kahit pa mismong ang Comelec na ang nagsabi na ang STCC ay nag-withdraw na mula sa Miru-led joint venture.



Sinabi ng SAKOP na dapat madiskwalipika ang kandidatura ng alkalde dahil sa pagpapalaganap ng maling impormasyon kaugnay sa Comelec at STCC.

Ganito rin kasi anila ang nangyari kay dating Caloocan representative Edgar Erice na na-disqualify sa 2025 May polls dahil sa pagpapakalat ng “false and alarming” information.