Advertisers
Nangangamba ang mga malalaking Samahan sa Siyudad ng Pasig na posibleng mabangkarote ang Lungsod sakaling muling mahalal bilang Mayor si Vico Sotto ngayong 2025 Senatorial at Local Election na magtatapos ang termino sa 2028.
Di nyo ba alam mga Ka Usapang HAUZ na naging mainit ang usap usapan hanggang sa ngayon apat na sulok ng Pasig City sa naging maagang pagpapahayag ng Eat Bulaga host at Ama ng kasalukuyang Alkalde ng Siyudad na si Bosing Vic Sotto at ipakilala ito sa isang event na susunod na magiging Presidente ng Pilipinas ang kanyang anak Mayor Vico Sotto.
Obyus na obyus mga Ka Usapang HAUZ na ginawan ng paraan para hindi pagusapan ang usaping pagtakbo ni mayor Sotto sa pagka-Pangulo ng bansa kung saan eh kumakambyo na si Bosing Vic sa ginagawa nitong pagpapakilala tulad ng “Ang susunod na” nakatanim na sa isipan ng Pasigueno na tatakbong President si Mayor Vico.
Eto ang matagal ng hinihintay ng mga Pasigueno ang salitang joke o biro lang mula sa bibig ni Vic Sotto sa naging pahayag nito at maging si Mayor Vico ay hindi rin lang nagkomento sa sinabi ng kanyang Tatay hinggil sa salitang ang susunod na president na nangangahulugang tutuloy at tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa 2028 Presidential Election.
Dahil dito may mga lider ng Samahan ang sa ngayon ay palihim na nagpupulong upang pigilan ang muling pag-upo bilang Mayor ng Pasig City itong si Vico dahil ang kanilang pangamba ay malapit na malapit sa katotohanan na mas maaga ay mapigilan na ang pagkakaroon ng Zero budget ng lungsod dahil sa pangarap nitong maging Presidente ng Pilipinas.
Mahigit isang linggo na lang at botohan na kaya mga Ka Usapang HAUZ may usap usapan na magsasama sama ang mga opisyales ng mga Samahan upang siyang tututok para gisingin ang Pasigueno sa planong pagtakbo ni Mayor Sotto sa pagiging Presidente ng Pinas ngunit titiyakin ng grupo na hindi sila titigil sa pagkumbinsi sa mamamayan ng Pasig na gumising habang hindi pa huli ang lahat sa posibleng paghihirap ng lungsod.
Ipapaliwanag ng Samahan sa mamamayan ng Pasig ang posibleng mangyari at ang lahat ng
pangako ni Mayor Sotto ay tiyak na mapapako dahil ang uunahin nito ay ang magipon ng pera sa pagtakbo nito bilang Pangulo ng Pilipinas.
Uunahing ipaliwanag ng grupo sa mamamayan ng Pasig ang magagandang plano nito partikular ang Housing, Education,Health at iba pa kung saan sa anim na taon nitong panunungkulan bilang Ama ng Siyudad ay may natupad naman subalit paano na niya magagawa ang kanyang binitiwang lampas Langit na pangako sa mga Pasigueno kung buo na sa kanyang kaisipan ang pagtakbo bilang pinakamataas na posisyon sa bansa.
“Sigurado malinaw pa sa sikat ng Araw na ang paghahandaan nitong si Mayor Vico Sotto
sakaling muling manalo ay ang pagiipon ng budget para sa pagtakbo nito bilang Pangulo at ang tanong saan siya kukuha ng pondo kundi sa kaban ng Pasig na bilyon bilyong piso paano na ang mahihirap na lalong maghihirap, blaha kayo sa buhay nyo Pasigueno.
***
Para sa Inyong Puri at Puna maaaring mag email sa cesarbarquilla2014@yahoo.com o tumawag or mag text sa 09352916036