Advertisers

Advertisers

Lotlot patuloy ang dalamhati sa pagpanaw ni Mommy Nora, Isang madamdaming liham isinapubliko

0 4

Advertisers

Ni Juliet Q. Pacot

NITONG April 22, 2025, araw ng Martes inihatid na sa kanyang huling hantungan ang Superstar at National Artist ng bansa na si Nora Aunor. Naulila nito ang limang anak gayundin ang mga apo, pero si Lotlot de Leon na siyang panganay ang pinagsabihan ng huling habilin ng Ina na alagaan ang mga kapatid.

Ibinahagi ni Lotlot sa social media na halos araw-araw niyang kinakausap ngayon ang kanyang ina.



“Ma, alam mo po I find myself talking to you everyday.. at alam ko nakikinig ka. Nasabi ko na rin naman sa ‘yo lahat mommy.. at alam ko rin na ang bilin mo sa akin ay ang mga kapatid ko at mga apo mo. ‘Yung tinuro mo sa akin na maging matatag sinusubukan ko po talagang gawin.

“Ma, maraming nagmamahal sayo. Sobra! Sana nakikita nyo po yun. They all showed up for you and our family and kame na mga anak mo sobrang grateful po,” bahagi ng mensahe ni Lotlot sa yumaong Superstar ng Philippine Cinema.

“Si Ian, Matet, Kiko, Ken at ako. Basta look after us always ma.. alam ko hindi mo kame pababayaan sa bawat desision na gagawin naming magkakapatid. At lalo pa kame nagkakaisa dahil sayo. And we promise to take care of your legacy, Ma, kame ng mga kapatid ko. Rest easy ma..”

Sa pagtatapos ng kanyang liham, nilagyan ito ni Lotlotl ng closing remark “Your daughter forever, Lot.”

Ang naturang post sa Instagram ay sinamahan ni Lotlot ng black and white na lumang larawan kung saan makikitang baby pa siya habang karga ni Ate Guy.



Samantala, sa loob ng ilang araw ng burol ni Nora sa Heritage Park bago ito ilibing ay may ilang katanungan ang naiwan sa kanyang fans.

Nagtataka lang ang fans kung bakit parang walang masyadong kamag-anak si Nora ang nakiramay mula sa Bicol.

Maging ang mga pamangkin nito sa mga kapatid na yumao parang walang namataan sa loob ng chapel.

Gayundin, ang ilang pinsan sa side ng nanay at tatay ni Nora ay parang walang nagpunta sa burol.

Ask tuloy ng mga utaw, may tampo kaya ang mga kamag-anak ng Superstar?