Advertisers

Advertisers

Higit 200-K trabaho alok ng DOLE sa Labor Day

0 2

Advertisers

AABOT sa mahigit 216,144 ang mga local overseas na trabaho mula sa 2,281 na employer ang iaalok ng Department of Labor (DOLE) sa 69 job fair sites sa buong bansa bilang bahagi ng pagdiriwang ng 123rd Labor Day.

Ang naturang Job Fair ay alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawing regular na programa ang job fair para sa mga manggagawang Pilipino.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, ang mga naturang job fairs ay inaasahang lalahukan ng aabot sa 2,000 employers.



Lalahukan ito ng mga kilalang kumpanya sa bansa tulad ng retail, food, services at hotel na gaganapin sa SMX convention center, Pasay City.

Pagtitiyak naman ng kalihim na maaari pa itong madagdagan, ilang araw bago sumapit ang selebrasyon ng Labor Day.

Hinikayat ng DOLE ang mga naghahanap ng trabaho na makipag-ugnayan sa mga Public Employment Sevices Office (PESO) o sa mga regional offices para sa kompletong detalye ng mga bakanteng posisyon at job fair venues.