Advertisers

Advertisers

Cristine at Marco hiwalay na; Aiko dinenay na pinabaklas ang tarp ng kapwa kandidato

0 4

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

PINARARATANGAN sI Aiko Melendez na siya ang nag-uutos na baklasin ang mga tarpaulin ng isang tumatakbong congresswoman, na ayon sa kanya ay wala itong katotohanan. Kaya naman handa niyang idimanda ang naninira o gumagamit sa pangalan niya.

Sa pamamagitan ng Facebook post ay ipinagtanggol ni Aiko ang sarili.



Post niya as it is,”Magandang gabi po wala po akong pinapabaklas na tarpaulin ng tumatakbong Congresswoman po. Di ko ugali po yan. Dahil alam ko ang pakiramdaman ng mabaklasan po ng tarpaulin po. Madaming beses nga nakita nyo mismo na ubos at limas ang tarps ko po tapos gagawin ko sa ibang kandidato po yan? Una po sa lahat konsehal po ang tinatakbo ko po so anong gain ko sa ganyan po? Handa po ako mag demanda sa gumagamit ng pangalan ko sa maling pamamaraan. Wala po akong kaaway. Wag ninyo po ako isama sa laban na di ko naman po laban para magmukha akong masama po. Maraming Salamat po ????

Tama naman si Aiko sa kanyang post. Konsehal ang tinatakbo niya sa District 5 ng Quezon City. So bakit niya ipag-uutos na baklasin ang tarpaulin nung congresswoman, to think na hindi nga niya ito kalaban, magkaiba ang kanilang tinatakbong posisyon.

Sa mga surveys na isinasagawa sa mga tumatakbong koneshal sa Districrt 5 na QC,ay si Aiko ang nangunguna. Kaya siguro, sinisiraan siya ng mga kalaban niya. Pero ang mga taga-suporta ng award-winning actress ay hindi naniniwala sa mga paninira sa kanya.

Siraan man nang siraan si Aiko ng mga kalaban niya sa politika naniniwala kami na mananalo pa rin siya sa darating na midterm election.

Mahal si Aiko ng kanyang mga constituents dahil marami siyang nagawang magaganda at makabuluhang mga proyekto sa District 5 ng Quezon City. Kaya sigurado kaming hindi siya pababayaan ng mga ito sa darating na eleksyon.



***

SA latest episode ng kanyang vlog na Showbiz Update, binahagi ni Ogie Diaz na may isang source na nag-chika sa kanya na break na sina Cristine Reyes at Marco Gumabao.

Sabi ni Ogie,”Well, kinumpirma ito sa atin ng isang malapit sa dalawa. Yes, split na sila.”

Ayon pa sa talent manager, wala raw binanggit ang kanyang source na dahilan, kung bakit naghiwalay na sina Cristine at Marco. Basta kinumpirama lang daw sa kanya na totoong hiwalay na ang dalawa.

“Basta pareho raw nalungkot sa nangyari ang dalawa, na ang relasyon ay umabot din ng dalawang taon. Kaya hintayin natin kung sino sa kanila ang unang mag-iispluk,” dagdag pa ni Ogie.

Posible raw na kapag natapos na ang eleksyon ay magsasalita si Marco hinggil sa sitwasyon.

Kasalukuyang tumatakbo ang binata bilang kongresista sa 4th district ng Camarines Sur.

Matatandaang sinamahan pa siya ni Cristine noong October 2024 nang mag-submit siya ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec).

Nanghihinayang kami na nauwi rin sa wala ang relasyon nina Crsitine at Marco.