Advertisers

Advertisers

Cong. Adiong binira si VP Sara

0 4

Advertisers

13 days nalang…eleksyon na! Sa Mayp 12 na yan!!!

Opo! Maghahalal uli tayo ng mga opisyal na uupo ng tatlong taon sa lokal (mayor, governor, congressman) at 6 taon sa nasyunal (12 senador).

Ito na ang oras na dapat palitan ang mga nahalal noong nakaraang mga halalan na hindi manlang naramdaman ang kanilang pagiging halal na opisyal. Mismo!



Maghalal tayo ng mga bagong mukha. Nasa mga kandidatong ito ang bagong pag-asa.

‘Wag nang maiwala pa sa mga reelectionist na hindi manlang naramdaman ang kanilang pagiging opisyal sa loob ng kanilang termino. Magsubok naman ng iba. Magboto ng tama.

Sa mga namimili ng boto para sila botohan, walang magandang serbisyo na asahan sa kanila. Dahil pagkaupo nito, tiyak wala na itong gagawin kundi ang mabawi ang kanyang malaking ginastos sa eleksyon. Para matigil na ang ganitong praktis…tanggapin ang kanilang pera at iboto ang nasa puso, ang tamang kandidato na sa tingin ninyo ay makapagbabago sa takbo ng inyong lugar at ng inyong pamumuhay. Let’s do it, Juan!!!

***

Binira ni Lanao del Sur 1st District Representative (Congressman) Zia Alonto Adiong ang panibagong atake ni Vice President Sara Duterte-Carpio laban sa alok ng administrasyong Marcos na P20 kada kilong bigas na sinimulan nang ibenta ng National Food Authority (NFA) sa Visayas region at ibang mga lugar.



“It is ironic that the Vice President is mocking efforts to lower rice prices to P20 per kilogram when, during the administration of her father (ex-President Rody Duterte), rice prices even soared to P70 per kilo in some areas,” bira ni Adiong, na isa ring House majority assistant leader.

Sabi kasi ni Sara, ginagamit lang ng administrasyong Marcos ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas para lumakas ang tsansa ng mga kandidato ng ‘Alyansa para sa Bagong Pilipinas’ sa darating na halalan, May 12.

Kung inyong natatandaan… naging campaign promise ng noo’y presidential bet Ferdinand R. Marcos, Jr. na ibababa nito ang presyo ng bigas sa P20 kada kilo kapag siya ay nanalo sa May 2022 elections sa ilalim ng ‘UniTeam’ kungsaan ang running mate niya ay Sara.

“Rather than criticize, the vice president should support every effort that aims to provide relief to the Filipino people, especially when it involves making basic necessities more affordable,” bira ni Adiong.

“What a leader should do, if he or she really cares for the people, is to support steps to make people’s lives comfortable, not to hit on initiatives that help them,” giit niya.

Tama si Adiong sa kanyang mga tiradang ito kay Sara.

Sa totoo lang, ang mga ginagawa ngayon ni Sara ay puros pamemerwisyo nalang sa Marcos administration, malayong malayo siya kay dating VP Leni Robredo na kahit katiting ang pondo noon ay nakapagtrabaho ng maayos at hindi naging sakit ng ulo ng kanyang erpat (ex Pres. Digong).

Kung talagang titingnan ang mga ginawa ni Sara pagkaupo niyang VP noong 2022, puros nalang ito katiwalian – paglustay ng bilyones na pondo na hindi manlang niya maipaliwanag kung saan napunta. Dapat talagang ma-impeach na siya!