Advertisers
MULING nagkasama sina Supremo Senador Lito Lapid at Actor/Director Coco Martin sa isinagawang motorcade sa ilang palengke sa Quezon City nitong Linggo, April 27.
Nauna rito, nagsama na sina Lapid at Martin sa motorcade sa Cavite kamakailan matapos mapatay ang karakter ni Supremo sa FPJ’s Batang Quiapo, isang araw bago ang campaign period.
Mainit naman ang pagsalubong ng mga residente sa lungsod sa pag-iikot ng dalawang action superstars sa Batang Quiapo, na parehas nilang ikinigalak.
“Nakakataba ng puso ang mainit na pagsalubong at pagyakap sa akin ng mga kababayan natin dito sa Quezon City. Ang pagmamahal at suporta nila ay susuklian ko ng tapat at malinis na paglilingkod,” ayon kay Lapid.
Sa isang panayam, nangako si Lapid na uunahin ang pagkakaloob ng libreng mga gamot at libreng hospitalisasyon sa mga mahihirap na senior citizen kapag nanalo sa midterm elections sa May 12.
Dagdag ni Lapid, marapat lang na mabigyan ng kaginhawaan ang mga senior citizen na matagal nang nagserbisyo sa lipunan.
Si Lapid ay isa sa mga may akda ng Expanded Senior Citizens Law o Republic Act No. 10645 na nagbibigay ng mandatory membership sa PHILHEALTH ng mga senior citizen.
Dagdag pa ni Lapid ang layunin ng batas na ito ay masakop na ang mga lolo ar lola ng Philhealth pagdating nya sa edad na 60 anyos.