Advertisers

Advertisers

BAKIT “TAHIMIK” ANG PNP SA RANSOM?

0 6

Advertisers

BAGO ang lahat, ‘mea culpa’ muna tayo, matapos “sablay” nating maisulat sa ating nakaraang kolum ‘district engineer’ sa Nueva Ecija First Engineering District, itong si Engr. Ferdinand Llamas. Hindi pala. ‘Assistant District Engineer’ pa lang pala siya, hehehe, pagtutuwid ng ating mga miron.

“Kung sabagay” nga raw, minsan ay “umaasta” itong si Llamas na “siya” ang district engineer kaya hindi malayong ito naman ang puwestong “targetin” niya, hehehe. Iba siyempre kapag “sakalam” ka sa mga “Bosing.” Palaging may “magandang patutunguhan” kahit may kaso sa Ombudsman!

Abangan na lang natin at muli, bukas ang ating pitak dito kay Engr. Llamas na ipaliwanag ang kontrobersiyang bumabalot sa kanya.



***

Isang mag-asawang Chinese na posible umanong may kinalaman sa brutal na ‘kidnap-slay’ kay Fil-Chinese businessman Anson Que/Anson Tan at kanyang driver ang hinuli ng PNP sa Boracay, nitong Abril 25, habang pasakay ng ‘private chopper’ kasama ang 3 bata na hinihinala namang mga anak ni ‘Wenli Gong,’ aka, ‘Huang Yanling’ at ‘Kelly Tan Lim.’

Si Gong, sabi ng PNP, ang babae na “ipinain” kay Que ng kanyang mga kidnaper kaya siya nagpunta sa isang bahay sa Meycauayan, Bulacan, noong Marso 29 kung saan siya pinatay. Oops! “Tinortyur” muna sila bago pinatay ng kanyang driver.

Tatlong suspek na ang hawak ng PNP hinggil sa karumal-dumal na krimeng ito kung saan, sinabi rin na kabilang ang ‘mastermind’ na si ‘David Tan Liao.’ Si Liao ay hindi nahuli bagkus ‘voluntary surrender’ sa PNP nitong Abril 18, dahil “natatakot mapatay” (‘fear of his life’), hihihi!

Pero teka. Bakit tahimik ang PNP sa ransom money? Nasaan ang pera?