Advertisers
Ni BETH GELENA
PINASALAMATAN ni Rachel Alejandro ang longtime-girlfriend ng kanyang late father Hajji Alejandro na si Alynna.
27 years na magkarelasyon sina Hajji at Alynna.
Ani ng singer sa Facebook ni Alynna, “Thank you for loving him.”
May post si Alynna kung saan dumalaw siya sa Walk Of Fame ng namayapang singer.
Aniya: “I was unable to go to your wake for reasons I don’t have control of. But I am glad I am here to pray for you and watch your star shine! ?? I want to thank Eastwood City Walk of Fame for giving you honor today. You truly are a legend and your wonderful music will live on forever. We love you so much! #HajjiAlejandro #iMissYouLove #HappyAnniversary ??????”
Rachel simply commented on Alynna’s Facebook post Thursday, where she said the two were “the best father and daughter team.”
Ang reply ni Alynna kay Rachel, “I love you both.”
“The strength of your bond and mutual support is immeasurable,” wika pa niya.
Ayon pa kay Alynna, “the father and daughter are such impactful performers that “every show is a lasting memory” for their audiences. “Bravo!”
***
IBIG ni Alden Richarrds ang matagal na niyang dream na maging isang piloto.
Matutupad na ito dahil sa post niya sa IG Page, may caption siyang nakalagay ang logo ng Alpha Aviation Group, “Reaching new heights one flight at a time”
Ani ng kanyang supporters: “Pag nagkataon, sya ang pinaka-GUWAPOng piloto to fly with!”
“wow! support natin yan. walang pinipiling edad ang pagtatapos ng pag-aaral and good job ka jan Alden!”
“ok na fall back yan from showbiz. yung iba kase ang retirement plan eh maging trapong pulitiko.”
“he’s doing that because it’s his father’s dream for him. i don’t think he has anything to worry about money wise pagdating ng panahon. he’s invested well.”
“fallback nya mga restos and fastfood chains nya, his production company, etc. This pilot thing is just him fulfilling his childhood dream”
***
Dahil daw sa interbyu ni Ivana Alawi
CRISTINE AT MARCO NASA ‘HIWALAYAN CLUB’ NA RIN
USAP-usapan ngayon sa social media na isa na namang celebrity couple ang umano’y hiwalay na rin.
May nakapansin na pareho raw naka-unfollow sina Cristine at Marco sa kanilang Instagram.
Espekulasyon ng netizens na baka break na rin ang dalawa.
Napansin daw nilang the actors have removed each other on their respective following lists.
Sa Instagram page umano ni Cristine ay deleted na ang mga larawan ni Marco, pero sa Page ng aktor ay may ilan pa ring features snaps ng actress.
Hindi ito ang unang nabalitang nagkahiwalay ang celeb couple.
August 2024, nabalitang naghiwalay ang dalawa, pero nagkabalikan din ng mag 30th birthday ang aktor.
Wala pang kumpirmasyon mula sa celebrity couple kung may katotohanan ang isyu sa kanilang dalawa.
May mga nagkomentong netizens na baka raw sa sinabi ni Ivana Alawi.
“Baka napanood yung interview ni ivana”
“Ah sya ba un? Omg red flag nga”
“Ano ba iyong breaking news sa interview ni Ivana baks?”
“Siya yung sinasabi ni Ivana na exbf niya na ginagawa siyang sugar mommy.”
“Geez yung sa hotdog ba yon ? Hala inaway for sure ni C buong magdamag lol”
Isang commenter naman ang nagsabing, “Mas ok na puro part ways ang news kesa RIP”
“Uso na pala to ngayon? Nakuu haaa paano ang election.”
Kung totoo nga raw na hiwalay na ang dalawa marami ang nanghinayang dahil sa effort na ginawa ni Cristine para ikampanya si Marco na tumatakbong congressman sa Bicol ngayong eleksiyon.