Advertisers

Advertisers

7 NPA todas sa bakbakan

0 7

Advertisers

Napatay ang pitong miyembro ng New People’s Army ng mga tropa ng 302nd Infantry Brigade sa isang engkwentro sa Barangay Tapi sa Kabankalan City, Negros Occidental Linggo umaga, April 27, 2025.

Mismong si Brig. Gen. Joey Escanillas, commander ng 302nd Infantry Brigade, ang nagkumpirma ng insidente na nagresulta sa pagkasawi ng pitong mga NPAs.



Ayon sa mga local na kinauukulan, tatlo sa mga nasawing mga terorista ay nakilalang sina Mary Jane Maquilat Cellon, political officer at secretary Southwest Front ng NPA sa Negros Occidental, ang kanyang mister na si Reniel Cellon, isang field commander, at si Charity Amacan, isa sa mga namumuno ng South East Front ng NPA sa probinsya.

Sumiklab ang madugong engkwentro ng paputukan ng mga NPA ang mga sundalong ipinadala sa isang liblib na lugar sa Barangay Tapi upang magsiyasat sa mga ulat hinggil sa kanilang presensya roon, sapilitang nanghihingi ng pera at bigas sa mga residenteng walang kalaban-laban.(Mark Obleada)