Advertisers

Advertisers

2 tulak nakuhanan ng P74.8m shabu

0 9

Advertisers

Arestado ang dalawang big-time drug pushers nang makuhanan ng aabot sa P74.8 milyong halaga ng shabu sa malakihang buy-bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Linggo ng gabi.



Nagresulta ang operasyon sa pagkakadakip sa dalawang big-time drug pushers na sina alyas “Johary”, 26, ng Tamparan, Lanao Del Sur, at alyas “Ambulo”, 25, ng Arlegui St. Quiapo, Manila, 8:15 ng gabi.

Sa ulat, isinagawa ng mga operatiba ng Special Operationg Unit ng PNP Drug Enforcement Group (SOU-DEG), kasama ang District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (NPD-DDEU) na pinangasiwaan ni District Director P/BGEN. Josefino Ligan, PDEA-NCR, at Caloocan Police Sub-Station 15, ang buy-bust operation sa Brgy. Amparo, North Caloocan.

Nakumpiska sa dalawa ang 11 plastic tea bags, kabilang dito ang dalawang ibinenta ng mga suspek, na tumitimbang ng kabuuang 11,000 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P74,800.000, buy-bust money, cellular phone na gamit nila sa pakikipagtransaksyon, at isang Yamaha NMAX na motorsiklo.

Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang mga suspek na pansamantalang nakakulong ang mga suspek sa Amparo Sub-Station 15.(Beth Samson)