Advertisers
Pormal na isinagawang pamamahagi ng 35 brand new BYD Dolphin electric vehicles (EVs) sa Valenzuela City Police Station (VCPS) na ginanap sa ALERT Center , Barangay Malinta na pinangunahan ni Mayor Rex Gatchalian.
May karagdagang anim na EV units naman para sa mga tanggapan ng pamahalaang lungsod para sa episyente, at eco-friendly na mga operasyon
Matatandaang kailan lamang ay nakatanggap din ang VCPS ng 25 brand new police cars at 40 motorcycles, upang mas mapalakas ang police visibility sa lungsod ,at pagpapatrolya sa kapaligiran .
Nagpaabot naman ng pasasalamat si PCol. Nixon M. Cayaban, Valenzuela City Chief of Police, sa lokal na.pamahalaan ,higit kay Mayor WES Gatchalian, sa patuloy na suporta sa kapulisan at tinitiyak na for the nararamdaman ang wastong paggamit ng buwis .
Kasabay ng turnover ng mga sasakyan ang inagurasyon ng Valenzuela EV Charging Station, na matatagpuan din sa ALERT Center, ang kauna- unahang EV charging hub.
Dumalo sa nasabing kaganapan sina Senator Tito Sotto III at Department of the Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla , Senator WIN Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, members of the City Council, NPD Director PBGEN Josefino at mga city officials.( Beth Samson)