Advertisers
Ni Beth Gelena
BAGO na ang namamahala sa career ni Miles Ocampo.
Pormal na siyang pumirma sa All Access to Artists (AAA), ang talent management nina Marian Rivera, Maine Mendoza at Carla Abellana.
Ginanap ang contract signing sa presensya ng executives ng Triple A at malalapit na kaibigan ni Miles
Nagpasalamat si Miles sa bagong kabanatang ito ng kanyang karera at sa patuloy na suporta ng kanyang mga tagahanga.
Nakapanayam ang aktres/host pagkatapos niyang pumirma ng kontrata.
Hindi maitago ang kanyang kasabikan para sa bagong direksyong tatahakin ng kanyang showbiz career.
“I’m just very grateful. Sobrang saya ko na mapabilang sa Triple A. Alam kong madami pa akong matututunan at mae-experience dito.”
Sa ilalim ng Triple A, inaasahang magkakaroon ng mas malawak na oportunidad si Miles pagdating sa mga proyekto, endorsements, at iba pang entertainment ventures.
Ibinahagi rin ni Miles ang kanyang pasasalamat sa mga naging bahagi ng kanyang journey simula pa noong bata pa siya. “Sa lahat ng naging parte ng career ko mula noon hanggang ngayon, salamat po. Hindi ko ito mararating kung hindi dahil sa suporta ninyo at sa mga taong naniwala sa akin.”
Nagsimula si Miles bilang child actress sa “Goin’ Bulilit” at mula noon ay hindi na siya nawala sa mata ng publiko.
Kamakailan lang ay hinangaan siya ng maraming manonood sa kanyang mga seryosong pagganap sa mga pelikula at drama series, at ngayo’y mas palalawakin pa ang kanyang artistry sa tulong ng bagong management.
***
PAPA P SINUPORTAHAN ANG MOVIE NI INIGO KASAMA ANG KANYANG INA
UMUWI ang singer/actor na si Inigo Pascual mula Tate para um-attend ng premiere night ng pelikulang Fatherland, Kasama ni Inigo ang amang si Piolo Pascual at ang kanyang ina, Donnabelle Lazaro.
Aniya, “I’m happy to be here. This is something that’s different from what I’ve done before. I’ve always done love teams and rom-com. I’ve never done heavy drama. This is the first time I was able to push myself into that zone, into that field and I’m relieved that I was able to work with such talented artists, such a talented director, and the whole team,” aniya sa isang interbyu.
Ayon sa anak ni Papa P, ilang movie na rin daw ang kanyang nagawa, pero sa Fatherland movie raw siya kinabahan nang husto.
“Choosing to do this was definitely a challenge for me. A personal challenge to myself. Hindi ko alam na puwede pala akong gumawa ng pelikulang ganito, something that I’m not used to making. And I’m grateful that I did it, grateful that I was able to push myself at least now I know when I’m given another opportunity to make something similar, to make something in this genre. I can say yes, let’s do it (laughs).”
“If I’m being completely honest, I had to use that mentality to give me the confidence to jump into this project. I had to use what I had learned in the States to be more confident while working on this project. I was more nervous working on this than working on Monarch, if I’m being honest. Because this really required a lot from me. I had to push myself, especially towards the latter part of the movie. I had to do things that I have never done as an actor. As in nasa set ako, sabi ko ito na yun ah, ito na yung eksenang ito, kaya ko ‘to!’ And then I just go for it.
“Kasi yung mga ka-eksena ko, Max Eigenmann, Allen Dizon, Angel Aquino, Cherry Pie Picache, Mercedes Cabral, everyone is on their A game and I noticed while working on this set, no one asks for actor’s cue. Walang nag-a-actor’s cue! Ako, kinakabahan ako. Kailangan ko ng actor’s cue (laughs). Sabi ko hindi ko kaya. I can’t just turn it on like the way they do. And that’s something that I was able to witness and observe and it kind of gave me this sense of confidence na I should try to do something like that, to try and push myself beyond my comfort zone,” pag-amin ni Inigo.
Sana raw ay suportahan ng moviegoers ang pelikula nila.
“Sana suportahan niyo ang bagong pelikula namin. It is out now. Binigay namin ang lahat lahat para sa pelikulang ito. Pinagpaguran namin ito. Sana magustuhan niyo, sana maka-relate kayo, at kung may makaka-relate, I hope that this movie brings you peace and joy. Sana mag-heal yung ano mang nasa puso niyo and invite your family and friends to go with you, yung barkada niyo. Thank you so much.”
***
VERY open na sina Sue Ramirez at Dominic Roque sa kanilang tunay na relasyon.
In fairness, mas blooming at fresh na fresh ang awrahan ni Sue nang makachikahan siya sa latest movie niyang In Between with Diego Loyzaga under Viva Films.
Natanong siya sa update ng kanilang relasyon ni Dom.
Aniya, “Ang saya lang po sa totoo lang, walang pressure. Masaya lang kami lagi, lumalabas kami, we enjoy our time together, explore, go on adventures together, and eat the best food together.”
Dagdag pa ng aktres, “basta we’re happy. Masaya siya, masaya ako. Nagkakasundo kami.”