Advertisers

Advertisers

Sandoval ma-disqualify kung mabigong malusutan ang show cause order ng Comelec

0 55

Advertisers

NANGANGANIB na ma-disqualify o nasa bingit ng alanganin ang kandidatura ni Malabon re-electionist Jeannie Sandoval kung mabibigo itong malusutan ang inilabas na show cause order o pinagpapaliwanag ng Commission on Election (Comelec) nang mapabiliang ang kanyang pangalan sa inilabas na listahan ng komisyon na may kaugnayan sa umano’y vote buying.

Batay sa inilabas na dokumento ng Comelec inakusahan si Sandoval ng vote buying nang gamitin nito ang social media pages ng lungsod sa kanyang pangangampanya.



Sa social media page ng lungsod lumalabas na ginamit ito sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng Malabon Ahon Blue Card ngayong kasagsagan ng kampanyahan na maituturing na isang paghihikayat na kapalit ng boto na pabor sa namimigay.

Sa ilalim ng Republic Act No. 9006 (Fair Election Act) at Omnibus Election Code mahigpit na ipinagbabawal ang anumang pamimigay ng pera, regalo, pagkain o ayuda kapalit ng pagboto at pasuporta sa isang kandidato.

Nakapaloob din sa batas na maari din managot hindi lamang ang namimigay kundi maging ang mga tumatanggap maaaring patawan ng karagdagang parusa, kabilang ang pagkakakulong at pagkansela ng karapatang bumoto o tumakbo sa eleksyon.

Magugunitang marami na din naunang nilabasan ng show cause order ang Comelec dahil sa kanilang mahigpit na pagbabantay upang matiyak na ang mga kahalintulad na kaso upang masiguro ang patas at malinis na eleksyon sa Malabon at sa buong bansa.

Bukod dito, magugunitang nahaharap din ang mag-asawang Ricky Sandoval at Jeannie Sandoval sa malaking isyu kaugnay ng pamimigay ng mga sertipiko na may larawan nila sa mga recognition at graduation ceremonies na isang malinaw na paglabag sa mga patakaran ng COMELEC.