Advertisers

Advertisers

Programang nagbibigay tulong sa mga Manileño sakop ng exemption – City Ad Bernie Ang

0 6

Advertisers

SINABI ni Manila City Administrator Bernie Ang na ang lahat ng programa na ginawa ni Mayor Honey Lacuna simula nang ito ay maupo bilang alkalde noong 2022 na itinutuloy magpahanggang ngayon ay sakop ng ‘exemption’ mula sa Commission on Elections (Comelec) upang maituloy ng pamahalaang lungsod bilang bahagi ng functioning local government unit.

Ang pahayag ay ginawa ni Ang matapos na kunin ng media ang kanyang reaksyon sa show cause order (SCO) na inisyu ng Commission on Elections (Comelec) para kay Lacuna, idinagdag pa nito na hindi ugali ng lady mayor ang lumabag sa batas at ang lahat ng ginagawa nito ay tama at naaayon.

Sinabi ni Ang na bilang isang alkalde ng Maynila, si Lacuna ay may mga programa na kanyang sinimulan nang siya ay maupo bilang mayor noong 2022, kabilang dito ang pagbibigay ng financial assistance sa iba’t-ibang sektor ng lungsod sa ilalim ng kanyang administrasyon na special amelioration program (SAP) na ilang taon ng ipinatutupad.



“Upang maituloy ang mga programang pinakikinabangan ng mga mamamayan ng Maynila, humingi ng ‘exemption’ ang pamahalaang-lungsod sa Comelec, na ang sabihin ay hiniling ng lungsod sa Comelec na payagan o huwag isama sa mga ipinagbabawal ang patuloy na pagbibigay ng mga nasabing benepisyo dahil kailangang-kailangan ito ng mga residente,” paliwanag ni Ang .

Sinabi pa nito na alinsunod ito sa memorandum ng Department of the Interior and Local Government na nag-aatas sa local government units na humingi ng Comelec approval para sa pagpapatuloy ng kanilang probisyon sa iba’t-ibang uri ng ayuda o tulong para sa kanilang nasasakupan kabilang na ang tulong pinansyal.

Sinabi ni Ang na ayaw na ng Lacuna administration na maulit ang 2022 incident kung saan pansamantalang itinigil ng pamahalaang panglungsod ang buwanang financial assistance para sa senior citizens, PWDs, solo parents at university students matapos na ito ay kwestyunin ng isa sa mga political rivals ni Lacuna. Si Lacuna ang Vice Mayor noon habang abala sa pangangampanya si Moreno. So Lacuna rin ang nagpapatakbo ng pamahalaan noon.

Dahil kinikwestyon ang nasabing programa, sinabi na Ang na lumiham siya sa Comelec para manghinhi ng permiso at paglilinaw kung ang lokal na pahalaan ay maaaring ipagpatuloy ang probisyon sa pagbibigay ng ayuda sa mga seniors, solo parents, PWDs at mag-aaral mula sa PLM at UdM.

Sinabi ni Ang sa kanyang liham, na ang City Hall ay humingi ng ‘exemption’ upang ang senior citizen at iba pang sektor ay patuloy na nakatanggap kanilang allowances na kailangan ng mga ito kahit may eleksyon o wala.



Sa kanyang sagot, sinabi ni Atty. Gregorio Bonifacio, Election Officer IV ng Comelec, na ang distribusyon ng mga nasabing assistance ay maaaring ituloy basta hindi ito sakop ng Resolution 10747, na siyang nagtakda ng prohibisyon kaugnay ng paggamit ng pondo tuwing panahon ng eleksyon. Sinasabi pa na kailangan ang certificate of exemption upang ituloy ang mga gawain at mga programa na may kinalaman sa mga social welfare projects at serbisyo sa panahon ng kampanya.

Maging si Office of Senior Citizens’ Affairs head Elinor Jacinto ay nanghingi ng legal opinion sa City Legal Office na nagsabing ang mga nasabing benepisyo ay itinuturing na “routine and normal expenses” na nandyan na sa loob ng ilang taon at hindi sakop ng mga ipinagbabawal ng Comelec.

“Dahil sa pangyayaring ito noong 2022 kung kaya’t ngayon ay tiniyak ng administrasyong Lacuna na mag-apply muna ng ‘exemption’ bago itinuloy ang mga nasabing programang dati nang pinakikibangan ng mga taga-Maynila. Nangangahulugang ligal ito dahil hindi ito nangyari ngayong election period lamang. Matagal na itong ibinibigay at ito ay itinuturing na ‘routine and normal expenses.’ Ibig sabihin, ito ay nakagawian na at normal na gastusin ng lungsod at hindi ito kagaya ng pamimigay ng pera sa public teachers o pamimigay ng ‘goods’ na ngayon lang nagaganap sa panahon ng kampany,” saad ni Ang.

Iginiit ni Ang na walang nilabag na batas o anumang regulasyon si Lacuna dahil humingi ang pamahalaang lungsod ng ‘exemption’ upang maituloy ang programang kailangan para magbigay ng tulong sa mga residente, tulad ng pamamahagi ng libreng gamot, at serbisyo medikal, libreng edukasyon, trabaho at tulong pinansyal sa mga biktima ng kalamidad at sunog. (ANDI GARCIA)