Advertisers

Advertisers

MGA RESIDENTE DISMAYADONG MAS GINAWANG PRAYORIDAD ANG BAGONG CITY HALL KAYSA SA PAGPAPATAYO NG MODERNONG OSPITAL

0 4

Advertisers

KINONDENA ng mga residente sa Pasig City ang pasya ng LGU sa lungsod na mas gawing prayoridad ang konstruksyon ng bagong City Hall kaysa sa pagpapatayo ng modernong ospital.

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon ng budget ng LGU na aabot sa P118 billion sa nakalipas na 6 na taon.

Ayon kay Rodel Torres, mula sa Maybunga sapat na ang nasabing halaga para mapondohan ang pangangailangang pangkalusugan ng mga residente sa lungsod.



Ayon kay Torres, mas ginawang prayoridad ni Mayor Vico Sotto ang pagpapatayo ng bagong City Hall at pinaglaanan ng budget na P9.6 billion.

“Sotto’s decision has raised concerns as many believe that the funds could be better allocated towards building a hospital that would serve the low-income residents of Pasig,” ayon kay Torres.

Binaggit din ni Torres ang aniya ay kahina-hinalang hakbang ng kasalukuyang LGU sa pag-manage ng pondo kasunod ng pagbili ng lupa sa halagang ng commercial lot sa halip na magkaroon ng zonal values.

Pinuna rin ni Torres ang aniya ay anomalya sa bidding processes, gaya na lamang sa pagbili ng mga gamot.

Ayon pa kay Torres, bagaman may sapat na pondo na nalilikom ang kasalukuyang admimistrasyon ay hindi naman ito nagagamit para sa kapakanan ng mga mamamayan.



Dahil dito, napagkakaitan aniya ng mahahalagang serbisyo ang mga taga-Pasig.

“This attitude undermines public trust but also deprives citizens of essential services and support that could improve their lives,” dagdag ni Torres.