Advertisers

Advertisers

‘LTO chief’ kulong sa kotong!

0 9

Advertisers

Naaresto ang 42-anyos na impostor na nagpapanggap na si Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza.

Kinilala ang nadakip na si Jeffrey Morong Mendoza.



Modus ng lalaki na mangikil ng malaking halaga ng pera sa mga bus operator na na-impound ang units dahil sa pagiging colorum.

Dinakip si Mendoza, ng San Mateo, Rizal ng pinagsanib na pwersa ng Intelligence Agents ng LTO at mga operatiba ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) habang tinatanggap ang boodle money sa isang bus operator sa Cubao Terminal Complex.

Bago ito, nakarating sa kaalaman ni Mendoza ang ginagawa ng suspect ng magsumbong ang ilang bus operator.

Nagpapakilala umano ito na LTO Chief at humihingi ng P250,000 sa bawat unit ng impounded na colorum bus para mailabas.

Inihahanda na ng LTO at PNP-ACG ang patong-patong na kaso na isasampa laban sa impostor.