Advertisers
Patuloy na pinalalakas ng Lungsod ng Caloocan ang pagkakakilanlan nito bilang isang ligtas at inklusibong lungsod sa ilalim ng pamumuno ni City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan dahil kamakailan nagsagawa ng seremonyal na pagbubukas ang pamahalaang lungsod para sa bagong Livelihood and Skills Training Center para sa mga persons with disabilities (PWDs).
Para sa mga inaugural na programa nito, ang bagong training center at ang mga guest trainer nito ay nagbigay ng mga libreng seminar para sa paglikha ng mga lutong bahay na bayong o tradisyunal na woven bag, fabric conditioner, at liquid detergents pati na rin ang make-up skills demonstration.
Pinuri ni Mayor Along ang lahat ng mga nakilahok sa at nagpahayag ng kanyang pag-asa na pagkatapos ng paunang pagsasanay, mas marami pang mga PWD ang mahihikayat na makilahok sa nasabing programa.
“Nagpapasalamat po ako sa lahat ng ating mga naging katuwang na nagbigay ng kanilang oras, kaalaman, at talento upang maging matagumpay ang programang ito. Paunang training pa lang po ito, kaya sana marami pang mga kapatid nating PWD ang dumalo at makilahok sa mga susunod pang pagkakataon,” pahayag ni Mayor Malapitan.
Idineklara ni Mayor Malapitan na sa ilalim ng kanyang pamumuno, patuloy na kikilalanin ng pamahalaang lungsod ang kakayahan, dedikasyon, at pagnanais ng mga PWD at iba pang miyembro ng mga mahihinang sektor na maghanapbuhay nang mag-isa.
“Sa ating unang tatlong taon ng pagsisilbi bilang Ama ng Caloocan, tinulungan natin ang mga Batang Kankaloo na PWD at iba pang miyembro ng mga vulnerable sectors na maghanap ng trabaho at magtayo ng sarili nilang kabuhayan upang matiyak na lahat ng ating mga mamamayan, may pantay na tungtungan upang abutin ang kanilang mga pangarap,” wika ni Mayor Along.
“Ang mga livelihood, skills training, at employment programs ay isa rin sa ating mga pamamaraan para kilalanin ang angking husay at pagtitiyaga ng lahat ng Batang Kankaloo na paunlarin ang kanilang sariling buhay at kanilang mga pamilya,” dagdag pa ni Malapitan.(BR)